Miss Universe introduces initial batch of 2016 candidates

Miss Universe candidates to tour Cebu and Siargao Islands.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/11/2016 9:19 AM
Miss Universe introduces initial batch of 2016 candidates


121116-MissU_PUSH.jpgNaganap kahapon, November 10, sa Conrad Hotel sa MOA conplex ang kick-off ceremonies ng 2016 Miss Universe beauty pageant na magaganap sa Pilipinas. Ito na ang ikatlong pagkakataon na magiging host country ang bansa sa Miss U na nauna ng naganap noong 1974 at 1994. First time naman ngayong taon ang pagdating ng first batch ng candidates para sa advance publicity at warm-up ng prestigious pageant. Bago ang actual program, nagkaroon tayo ng chance na makasama ang mga delegates na sina:

Miss USA Deshauna Barber;

Miss Japan Sari Nakazawa;

Miss Australia Caris Emily Tiivel;

Miss New Zealand Tanya Pauline Dawson;

Miss Korea Jenny Kim;

Miss Thailand Chalita Suansane;

Miss Malaysia Kiran Jassal; 

Miss Vietnam Dang Thi Le Hang; 

Miss Indonesia Kezia Roslin Warouw;

Miss Myanmar Htet Htet Htun

Miss Philippines Maxine Medina

Clubhouse sandwich at French Fries ang naging snack ng delegates na nagsilbi na rin first meeting nila sa Head of Miss Universe Organization na si Paula Shugart. Kasama din ang Secretary ng Department of Tourism na si Wanda Teo at kanyang staff.

Dito ibinahagi ni Paula ang hard work na ginawa ng iba’t-ibang Filipino groups para matuloy ang pageant sa bansa at nagpasalamat ang delegates sa ating mga kababayan.

Nagkaroon pa sila ng first group pictorial background ang world famous Manila Bay Sunset bago pumunta sa stage area para sa kick-off ceremonies.

Isa isang rumampa ang bawat kandidata na ang ilan ay may mga fans na para sumuporta at mag-wave na ng mga flags ng bansa na sinusuportahan nila. Huling rumampa ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach na medyo naging teary-eyed ng mag-cheer ang ating mga kababayan.

Sa speech ni Shugart sinabi nito na siya ang number one fan ni Pia at kung gaano ka hardworking ang Pinay Miss Universe.

Naka-schedule mamasyal sa Cebu at Siargao Islands ang mga kandidata sakay ng private plane. Limang araw magtatagal ang mga candidates dito sa bansa para sa kick-off ceremonies.