• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Marlo Mortel very happy for McCoy de Leon’s success

Exclusive: Marlo Mortel very happy for McCoy de Leon’s success

Exclusive: Marlo Mortel very happy for McCoy de Leon’s success

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/12/2016 12:44 AM
Exclusive: Marlo Mortel very happy for McCoy de Leon’s success


121216-MarloMortel_PUSH.jpgMasaya si Marlo Mortel sa pamamayagpag ng career ngayon ni McCoy de Leon ng Hashtags. Si Marlo ang dahilan kung bakit nakapasok noon sa day-time series na “Be Careful With My Heart” si McCoy bilang talent.

Kuwento ni Marlo, “Ganito kasi ang istorya niyan, kakapasok ko lang sa ‘Be Careful’ before tapos sakto naman na first time kung mat-teatro at ang director tatay (ni McCoy) niya. Then hinanapan ako ng taga-Be Careful na baka may kasama daw ako nagti-theater.

“Ni-refer ko siya. Eh, wala namang masama do’n di ba? Ang maganda lang talaga, pagka-refer ko sa kanya, kinabukasan nag-taping na agad siya. So, walang hirap, eh. Ando’n siya agad,” pagre-recall ng binata.

Ayon pa kay Marlo, naniniwala siya na destiny talaga ni McCoy ang mapunta sa showbiz tulad din ng nangyari sa kanya.

“Ako, napakadami kong pinagdaanang audition, pero pag para sa yo, para sa yo talaga, eh,” katwiran niya.

“Ako din naman, kaya ako napunta sa ABS-CBN kasi may sinundo din lang ako na girlfriend ko dati. So, kung hindi ko siya sinundo, wala din ako diyan, hindi ako makikita, eh,” sabi ulit niya.

Patuloy pa ni Marlo, “Masaya naman ako para kay McCoy kasi alam kong napakabait niya rin talaga. Ang maganda sa kanya, sobrang bait niya, hindi siya nagbabago.

“Friends pa din kami. Pag nagkikita kami ganu’n pa din, nagkakausap. Sinasabi ko rin sa kanya na natutuwa ako sa kanya bilang kaibigan niya and kahit papaano, nakikita ko naman na hindi siya nakakalimot na ako yung nag-refer sa kanya, totoo naman yon, and kumbaga, tulungan lang. Pag mabait ka naman madaming blessings na darating para sa yo, eh,” pahayag pa niya.

“Siguro, kung ibang tao yon, yung hindi maganda yung ugali, manghihinayang ka kasi natulungan mo siya ng ganu’n. Pero wala ka kasing masasabi sa kanya, mabait kasi siya. And as a friend, sobrang happy ako for him,” sabi pa ni Marlo.

Samantala, balik-tambalan nina Marlo at Janella Salvador ang pelikulang “Mano Po7: Chinoy” ng Regal Films na pinagbibidahan nina Richard Yap, Jean Garcia, Enchong Dee at marami pang iba. Palabas na ang pelikula sa Dec. 14.