Dominic Roque reacts to changes in MMFF

Dominic Roque is back with his second horror film at MMFF.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/11/2016 9:15 AM
Dominic Roque reacts to changes in MMFF


121116-DominicRoque_PUSH.jpgMasaya ngayon ang binatang aktor na si Dominic Roque sa muling pagkakabilang niya sa 2016 Metro Manila Film Festival para sa horror film na Seklusyon. Matatandaan na 2014 nang gumawa at napasama din ang aktor sa isa ding horror movie para sa MMFF kung saan kasama siya ang Kathniel para sa pelikulang Pagpag.

"Actually second time ko na sa horror for MMFF. Una yung Pagpag. Maganda din ang kinalabasan noon, maganda ang istorya and mahuhusay din ang kasama ko at ngayon aabangan din kasi talagang magpapakilabot ng kapaskuhan ng mga manunuod."

Dahil hindi na bago sa MMFF, naitanong din kay Dominic kung ano ang masasabi niya sa malaking pagbabago sa naging patakaran ng MMFF noon at ngayon. Para sa kanya, may nagbago man ang lahat din ng pelikula noon at ngayon ay parehong pinaghirapan.

"Nahihirapan din ako mag comment kasi yung ibang mga bata at ibang mga tao, hinahanap-hanap pa din nila yung nakagawian, pero sana mabigyan pa din kami ng pagkakataon na masilip at mapanuod kasi talagang lahat ng pelikulang nandito ay talagang pinaghirapan."

Dagdag pa ni Dominic, nagbago din ang kaniyang plano para sa kanyang pamilya ngayong kapaskuhan dahil sa biglaang pagkakabilang nila sa MMFF.

"Nagbago din ang Christmas kasi kailangan mag-monitor at sumama sa promotion ng movie pero enjoy din kasi MMFF. Nag move lang lahat ng plans ko for my family this Christmas," pagtatapos ni Dominic.