• Home
  • Fresh Scoops
  • Baron Geisler denies using drugs: ‘Anytime ipa-drug test niyo ako’

Baron Geisler denies using drugs: ‘Anytime ipa-drug test niyo ako’

The controversial actor says pissing on Ping Medina during filming was a “creative decision.”

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/12/2016 12:40 AM
Baron Geisler denies using drugs: ‘Anytime ipa-drug test niyo ako’


121216-BaronGeisler1_PUSH.jpgEkslusibo sa “Rated K”, iginiit ng aktor na si Baron Geisler na isang “creative decision” ang ginawa niyang pag-ihi kay Ping Medina sa set ng indie film na “Bubog”.

“I made a creative decision to do it,” pahayag ng actor kay Korina Sanchez.

“My character is supposed to be like a big shot drug dealer na konektado sa pulis so naisip ko dahil ang powerful bago kita patayin iihian kita,” pag papaliwanag pa niya.

Sinabi rin ni Baron na hindi daw siya high sa droga ng oras na yun.

“And me being high no Ma’am. I do not take drugs kahit any time ipa-drug test niyo ako.”

Hindi daw lasing noon si Baron pero aminado siyang nakainom siya ng araw na ‘yun.

“Pero mali pa rin ako dahil uminom pa rin ako sa set. Tanggap ko yun. I’m really sorry.”

Kahit diumano sober siya ay gagawin pa rin niya ang ginawang pag-ihi kay Ping dahil “passionate” siya sa pagiging aktor.

Inamin naman niya sa host na si Korina na bumalik siya sa pag-inom after mag-parehab noong 2011 at inaamin niyang isa itong problema.

“Yes ma’am. Hindi naman po intense na katulad before.”

Nagpakita rin si Baron sa host ng isang video sa kanyang cellphone ukol sa kanyang documentary.

“I’ve been cooking this up since May. It’s called Beastmode.”

Tinanong naman siya ni Korina, “Ano ba yung away ninyo ni Kiko Matos yung nagsuntukan pa kayo, totoo ba yun?”

“Everything was staged,” pag-amin naman ni Baron.

Ayon sa isang interview naman kay Kiko, ang “Project Beastmode” ay, “isang social experiment kung saan nagre-raise ng issues. Sa pelikula namin sa December 15 dun ie-explain lahat.”

Tinanggi rin ni Baron na ginamit niya ang pag-ihi kay Ping bilang publicity para sa lalabas niyang pelikula.

Nagpasalamat din si Baron sa PAMI o Professional Artists Management Inc. para sa binigay sa kanyang sanction.

“Malaking tulong yan para sa akin. Yun lang sana hindi na nila sinanction si Direk Arlyn (Dela Cruz) kasi wala naman siyang kasalanan dito.”

Bagamat tanggap ni Baron ang naging bunga ng ginawa niya, “wrong timing” lang daw ang mga pangyayari dahil sa kalagayan ng Nanay niyang may sakit. “Napaka-wrong timing na nagka-problema, tapos binigyan nila ako ng sanction…”

Sa nalalapit naman na Pasko hangad ni Baron ay, “Sana talaga magkaayos-ayos ang lahat dahil maliit lang naman ang industruya ng showbiz, so sana mapatawad talaga ako ni Ping.”