• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Director Ted Boborol believes Joshua Garcia is the next John Lloyd Cruz

EXCLUSIVE: Director Ted Boborol believes Joshua Garcia is the next John Lloyd Cruz

Director Ted Boborol also reacts to being Star Cinema’s sole entry to MMFF.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/10/2016 10:42 AM
EXCLUSIVE: Director Ted Boborol believes Joshua Garcia is the next John Lloyd Cruz


121016-DirekTheodor1_push.jpg

Dahil puring-puri ng MMFF Selection Committee ang acting ni Joshua Garcia sa Vince & Kath & James, hiningan namin ang reaksyon dito ng director ng pelikula na si Thedore (Ted) Boborol.

Sabi ni Direk Ted, “Siya na yung next para sa akin. Next John Lloyd (Cruz). Pero ayoko kasing sabihan na siya na yung… basta siya yung next important star.

“Masa-shock kayo pag nakita niyo si Joshua sa pelikula. Iba yung binigay niya. Totoo.”

Hindi ba siya nakakaramdam ng pressure na ang pelikula niya ang solong entry ng Star Cinema sa MMFF this year?

“Siyempre nando’n yung pressure,” pag-amin agad niya. “Pero ang importante sa akin, masaya ako dahil ang hirap makapasok (sa Top 8 ng MMFF),” dagdag niya.

Sa tingin ba niya tatangkilikin at susuportahan ng tao ang mga pelikulang kasali ngayon sa MMFF?

“Ang hirap kasi parang paradigm shift, eh. Kung dati ang tinitingnan mo sa MMFF yung fantasy, yung kumikita para sa children, pang-family, eh, ngayon may gustong patunayan ang Executive Committee ng MMFF na ibalik natin sa dati yung mga panahong may Bona, Burles Queen, Brutal, Karnal, mga ganu’n.

“Puro mga, in a way, art film yung pinapalabas dati ng MMFF. Yon yung spirit ng festival dati. So, I’m sure, depende yon. Kung may expectation ang MMFF na kailangan nilang kumita, medyo nakakapanibago nga,” obserbasyon ng Vince & Kath & James director.

Pahabol niya, “Pero sana nga, maging open yung mind ng viewers to also see the film at para ma-relay silang may iba’t ibang klase ng pelikula. Na hindi lang ganitong genre yung pelikulang pinapalabas, na puwede tayong mag-produce ng ibang klaseng istorya at iba’t ibang klaseng bida.

“Ang hirap magsalita kasi mainstream ang producer ko at ABS-CBN ako at Star Cinema pero I’d like to believe na iisa naman yung layunin naming lahat – to produce a quality film na magugustuhan ng audience,” pagtatapos ni Direk Ted.

Bukod kay Joshua, bida rin sa Vince & Kath & James sina Ronnie Alonte at Julia Barretto.