Sandara Park to Blackjacks: ‘It hurts’

Sandara Park apologizes to fans after disbandment of KPop group 2NE1.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/1/2016 10:34 AM
Sandara Park to Blackjacks: ‘It hurts’


120116-SandaraPark_PUSH.jpgSa TV Patrol, noong Biyernes, November 25, opisyal nang inanunsiyo ang pagkadisband ng grupong 2NE1 kung saan kabilang ang Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park.

Matapos ang official announcement ay nagbigay ng sulat si Sandara sa “Blackjacks” o hardcore fans ng grupong 2NE1. Sa sulat sinabi niyang “it hurts.” Nag-post rin si Sandara ng mensahe sa kanyang Instagram at Twitter account kung saan nag-sorry siya at nagpasalamat muli sa kanilang mga tagahanga. 

Sa post naman ni CL, sinabi niya na sinubukan nilang matapos ang isa pang album bago ang split pero hindi ito nagwork out. 

Ayon sa ulat, una nang kumalas sa grupo noong May si Minzy. At hindi na rin nirenew kamakailan ang kontrata ni Bom. 

Tuloy naman ang kontrata ni Sandara at CL sa ilalim ng YG Entertainment.