• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano celebrates Christmas early with the arrival of his grandchild Lea

Gary Valenciano celebrates Christmas early with the arrival of his grandchild Lea

The singer said he has already received his greatest Christmas present this year.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/1/2016 10:15 AM
Gary Valenciano celebrates Christmas early with the arrival of his grandchild Lea


120116-GaryV_PUSH.jpgKasabay ng maagang Pamaskong pelikula ng Star Cinema na “The Super Parental Guardians,” nagbigay din ng maagang Pamaskong regalo si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa mga shoppers ng Eastwood City Mall.

Bilang parte ng kanyang promotion para sa kanyang album na GV at Primetime ng Star Music, naghandog ng mga popular na awitin ang primyadong singer sa mga taong namamasyal sa naturang mall.

Masaya at inspirado na inawit ni Gary ang mga nilalaman ng kanyang album, gaya ng mga naging sound track ng mga teleserye ng kapamilya na "Minsan Lang Kita iibigin", "Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan" at "Wag Ka Nang Umiyak" na mula sa hit teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano,” hindi din nawala sa line up ang mga all-time hits niya na "Eto Na Naman" "Sana Maulit Muli", at ang bonus na Pamaskong awit na "Pasko Na Sinta Ko.”

Dahil panahon na ng Kapaskuhan, itinuturing ngayon ni Gary na extra special ang Pasko dahil sa pagkakaroon ng bagong miyembro ng Valenciano family na si baby Lea, na anak ng kanyang panganay na si Paolo at asawang si Samantha Godinez.

"Siguro pwedeng wala nang magbigay sa kin ng regalo okay lang, kasi I have a gift na, si Lea. Hindi ko pa man sila masyado nadadalaw but having Lea is the biggest gift and only gift for me this Christmas," saad pa ni Gary.

Aniya walang salita ang makapag lalarawan ng kanyang kasiyahan sa mga panahong naging isang ganap na siyang Lolo, Sabi pa ni Gary ang kanyang apo na si Baby Lea ang kanyang nagiging inspirasyon ngayon sa lahat ng kanyang mga ginagawa.

"It's the word unbelievable, that's how it feels that at my age now, I guess I was the first in my ‘ASAP’ family from Zsa Zsa (Padilla), Martin (Nievera) and others na nagkaroon ng apo at masasabi ko na very first grandparent, so it's really unbelievable that I see myself that I have a lot of excitement, playing with my granddaughter and I have to think in 5 years time, makakapag-swimming na kami, maka-takbo na kami, so I have to keep in shape just for her talaga..." pagtatapos na kwento ni Gary.