• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: JC de Vera admits he was forced to break up with ex for their careers

EXCLUSIVE: JC de Vera admits he was forced to break up with ex for their careers

JC de Vera says his last relationship has made him wary of getting a girlfriend from showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/2/2016 1:35 AM
EXCLUSIVE: JC de Vera admits he was forced to break up with ex for their careers


120116-JCDeVera_PUSH.jpgInamin ni JC de Vera na hangga’t maiiwasan ay pinipilit niyang huwag ma-in love sa kapwa artista dahil sa past experience niya involving his last girlfriend na isa ring artista.

“Nadala na ako. Hindi na ako magbibigay ng pangalan, pero the last one kung kaya mo siyang i-backtrack… basta yung pinakahuli kong na naging girlfriend parang forced kami to go on separate ways (para sa career).

So, para sa akin, ano yon, eh, malaking bagay yon. Kasi, parang sinugal mo yung personal life mo para sa trabaho… marami kang na-sacrifice, so sabi ko that’s the last time na makakaramdam ako ng ganu’n,” pag-amin ni JC sa Push.com.ph.

Pero hindi raw naman niya isinasara ang possibility na magkaroon pa rin ng showbiz girlfriend.

“Hindi ko sinasabi na hindi na ako magkakaroon ng girlfriend sa industry, pero kumbaga, ayaw ko lang talaga yung naramdaman kong yon at hindi siya masarap sa pakiramdam. Kaya, di ba, as much as I can, hindi na ako ulit papasok do’n sa ganu’ng situation,” sambit pa niya.

Aminado si JC na talagang nasaktan siya sa puwersahang paghihiwalay nila ng dating girlfriend, pero wala naman siyang magawa.

“Oo naman. Kasi hindi lang naman time yung in-invest mo... But you have to move forward. Wala kang choice,” buntong hininga niya.

Patuloy ni JC, “Hindi ka naman puwedeng… hindi mo siya puwedeng dibdibin. Tsaka nakikita mo naman sa mga ibang artista din di ba and para sa akin, hindi ko pipiliing lumiit yung mundo ko, magkakasalubong kayo tapos magkaaway kayo, di ba? Ayoko non, gusto ko lahat ng makatrabaho ko friends ko, masaya.”

Naging friends ba niya ang mga naging ex niya?

“Oo. Though yung iba, hindi ko na nakikita talaga kasi siyempre, may kanya-kanyang buhay na. Hindi ko na rin nakakausap. As much as I can remember, lahat naman kami ay okey naman,” sagot niya.

Referring sa kanyang last girlfriend, nag-succeed daw naman ito sa kanyang career pagkatapos nilang maghiwalay.

“Nakapanalo din siya ng acting award sa isang indie film. Naging best actress din siya… so di ba?

“Karamihan kasi, hindi naman naiintindihan yung mga ganu’ng bagay. Hindi nila naririnig. Ang alam lang nila, together, tapos ‘Ay, nag-break lang sila.’ Pero wala naman talagang nakakaalam what’s behind. Kasi walang gustong magsalita, walang gustong mag-share.

“Kasi siyempre, ano na yon, eh, private thing na yon, eh. Personal na bagay na yon talaga, di ba? Tough work, no?” pagtatapos ng Kapamilya actor.