Atty. Joji Alonzo reacts to ‘Ang Babae Sa Septic Tank 2’ inclusion in MMFF entries.
Pasok sa Top 8 ng Metro Manila Film
Festival ang pelikulang Ang Babae Sa
Septic Tank 2: Forever Is Not Enough na pinagbibidahan ni Eugene Domingo.
Ayon kay Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films, isa sa mga producer ng pelikula,
masaya siya na napili ng MMFF Selection Committee ang kanilang pelikula.
“Sobrang lumulutang ako kasi 27 daw
yung sumali, tapos hindi mo alam kung kasama ka ba sa magugustuhan nila,”
bulalas ng lady producer.
Patuloy pa ng Quantum producer,
“Honestly, I felt confident kasi alam ko talaga binuhos lahat from the script
pa lang, sobrang tawang-tawa na ako sa script – social commentary – pero ang
treatment niya is humor, pero may tama siya.
“And then, when I saw the finished
product, yung acting, the direction, confident naman ako. Pero you can never
say, eh. Because you have 27 films competing, so you wouldn’t really know kung
aabot ba doon sa kanilang qualifications, yung standards nila,” bulalas pa
niya.
Ayon pa kay Atty. Joji, may advantages
and disadvantages din daw na walang kalabang malalaking pelikula sa 2016 MMFF.
“Kasi, when you have big films, they
will entice people to watch films. So makikinabang ka rin doon. Pag wala ‘yung
mga ganun’g klaseng malalaking pelikula like the usual productions that get in,
mangangapa ka rin, eh.
“This is really a big leap, so to
speak. Hindi natin masasabi if… kasi napansin mo, maraming alternative
materials, hindi siya yung typical na mainstream drama, romcom o horror. Hindi
ganu’n, eh. Naiiba siya, eh,” paliwanag niya.
Eh, ano naman ang reaksyon niya sa
nagpe-predict na isa ang Ang Babae Sa
Septic Tank 2 sa posibleng maging 2016 MMFF topgrosser?
“Ayokong mag-expect. Kasi ang hirap.
Sana, sana,” sey pa niya.
Hindi rin daw niya ini-aim na maging
No. 1.
“Ay wala, wala. Ayokong mag-aim ng mga
ganyan pagdating sa box-office. Kung panoorin ng tao, salamat. Sana, panoorin
nila, kung hindi naman, salamat pa rin, panoorin na lang nila ‘yung iba,”
nakangiti niyang pahayag.