Ara Mina talks about working with Liza Soberano

Ara Mina doesn’t mind playing a mother to Liza Soberano’s character.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/1/2016 10:15 AM
Ara Mina talks about working with Liza Soberano


120116-AraMina_PUSH.jpgAll out support ang malalapit na kabigan ni Patricia Javier sa pagbubukas ng bagong clinic ng asawa nito na si Rob Walcher na isang Chiropractor.

Kabilang sa mga dumalo sila Amy Perez, Maritoni Fernandez, Janine Desiderio kasama ang anak nito na si Janella Salvador at si Ara Mina.

Kuwento ni Ara, regular siyang mag papa-treat ng kanyang mga buto-buto kay Doc Rob na isang kilalang chiropractor ng mga celebrities.

"Sobrang maraming benefits kasi sa katawan ko hindi na masyado sumasakit ang katawan ko kahit na laging ngarag sa mga trabaho. May mild scoliosis ako so I need weekly adjustment and weekly spine alignment and Doc Rob helps me with that," sambit ni Ara.

Bukod dito, naibahagi din niya ang isa sa pinaghahandaan ngayon at ito ay ang bagong pelikula kung saan gaganap siyang ina ni Liza Soberano sa pelikulang My Ex and Whys na mapapanuod sa 2017.

"First time ko sila (LizQuen) makakatrabaho and Direk Cathy Garcia. Nakapag-shoot na kami. Ang role ko ay single hot mom of Liza. Napakabait ni Liza at napakaganda. Basta I love her. Kami lagi kasi magkasama sa tent, kami dalawa lang, so hindi ka maiilang sa kanya. Hindi siya pa star effect."

Dagdag pa ni Ara, bilang aktres okay na sa kanya ang pag tanggap ng mga mother role at aniya kagalakan niya ang maging ina ng isang Liza Soberano.

"Ngayon naman kasi pabata ng pababta ang mga artista, and I really want to work with her also. Bata pa naman si Liza. Nagkaka-anak nga ako sa role ng 20-plus na e why not accept a role to be a mom of Liza?" kuwento pa ni Ara 

Naibahagi na din ni Ara ang kanyang excitement para sa ikalawang taong birthday ng kanyang daughter na si Mandy.

"Yung baby ko mag 2nd Birthday na siya. Ayun ang bilis. Mag two years na din akong walang love life pero okay lang hindi iyon ang priority ko kasi hindi ko hinahanap at naniniwala akong darating din yan," masayang pagtatapos na kuwento ni Ara.