• Home
  • Fresh Scoops
  • 2016 Miss Asia Pacific Tessa Helena Le Conge promises to return to the Philippines

2016 Miss Asia Pacific Tessa Helena Le Conge promises to return to the Philippines

Miss Asia Pacific Philippine candidate Ganiel Krishnan thankful for fan support.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/1/2016 10:13 AM
2016 Miss Asia Pacific Tessa Helena Le Conge promises to return to the Philippines


120116-TessaHelena_PUSH.jpgTodo ngiti at kabado pa rin ang bagong korona bilang 2016 Miss Asia Pacific na si Tessa Helena Le Conge mula sa bansang Netherlands. Hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang nakasungkit ng prestigious na titulo at uuwi na may dalang karangalan sa kanyang bansa.

"All the girls were so pretty and all are so good. I left it all up and I was so surprised and I’m really, really happy."

Proud si Helena na nakapasyal siya sa unang pagkakataon sa ating bansa at ipagmamalaki niya daw sa Netherlands kung gaano kababait ang mga Pilipino.

"I will tell them I love the hospitality of this country and many countries can learn a lot from them. I just really love the Philippines and I really can’t wait to come back here."

Second runner-up naman ang kandidatang pinay na si Ganiel Akrisha Krishnan at balik trabaho na ito sa Sabado bilang UAAP courtside reporter para sa Sports and Action Channel.

"Nagpapasalamat po ako sa mga kababayan natin lalo po noong gabi ng pageant. Di nila ako iniwan, naka-live stream talaga sila."

Sa history ng Miss Asia Pacific, apat na beses ng nakukuha ng Pilipinas ang korona:

1982 (Ma. Del Carmen Ines Zaragoza)

1983 (Gloria Dimayacyac)

1989 (Lorna Legaspi)

1993 (Michelle Aldana)