• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros shares why he was very emotional at Tokyo International Film Festival

Paolo Ballesteros shares why he was very emotional at Tokyo International Film Festival

Paolo Ballesteros also reveals what he thinks about winning the best actor award.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/9/2016 10:03 AM
Paolo Ballesteros shares why he was very emotional at Tokyo International Film Festival


110916-PaoloBallesteros2_PUSH.jpgBinigyan ng solo presscon ni Mother Lily at Roselle Monteverde si Paolo Ballesteros pagkatapos niyang manalo sa 26th Tokyo International Film Festival ng best actor para sa pelikulang Die Beautiful. Ang Regal Films ang magre-release ng Die Beautiful na posibleng makasali sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Tinanong agad ng Push.com.ph si Paolo kung na-sense ba niyang mananalo siya ng best actor sa TIFF at sabi niya, “Iba yung feeling, pero hindi ko naman in-expect na mananalo, ganyan. Kung ma-recognize, why not, masaya. Pero never expected na mananalo.”

Patuloy niya, “Tapos yon nga, akala ko 6 movies lang, 16 pala (ang naglaban-labang pelikula). Parang it’s a different feeling kasi iba yung tema, hindi siya comedy. I mean, may mga drama and ako yung lead, so dadalhin ko yung buong pelikula,” sabi pa niya.

Pressured ba siya ngayong meron na siyang international best actor award?

“I don’t feel any pressure… charot,” pabiro niyang sagot. “Ah, siguro, in a way, kasi dito sa movie na ito, sabi nga nila, si Direk Jun (Lana) is an actor’s director. Yung mga dinirek niya, best actor, best actress.

So, I guess, paano na lang kung hindi si Direk Jun yung sa next na mga project ko, although of course yung effort ko nga na ibibigay is the same – 101 percent, pero iba rin yung tulong ni Direk Jun, eh,” katwiran ni Paolo.

Magiging choosy na ba siya sa roles na tatanggapin?

Choosy naman talaga ako sa mga projects, eh,” pag-amin niya. “Kasi nga, gusto ko yung… ayoko yung parang basta ginawa lang. Gusto ko yung siyempre paghihirapan,” rason niya.

Paolo also shared na ibang klaseng experience ang pag-attend niya sa Tokyo International Film Festival.

“Yung sa Tokyo, yung sa film festival, first time ko kasi, di ba? Ano talaga, feeling mo, ang sosyal naman nito, parang artista ka, kasi kahit saan ka pumunta merong dalawa na sumusunodsa yung Hapon na assistant na ituturo kung saan kayo pupunta.

“Halimbawa, sa red carpet, ganyan. Siyempre, puro mga artista yung kasama mo sa iba-ibang bansa, mga producer, mga director. Siyempre, hindi ko naman sila mga kilala. Sa backstage walang nagkakagulo, very organized lahat,” kuwento niya.

Eh, bakit siya naiyak sa world premiere ng Die Beautiful at maging sa awarding ceremony?

“Kasi nga, first time kong napanood yung film, eh. So, alam mo yon, yung pagod mo, yung pagod naming lahat na napanood mo, kaya naging very emotional ako… plus nakakaiyak talaga yung movie, tugtog pa lang nakakaiyak na.

“At saka nakakaiyak din kasi they have nothing but good words towards the film and to the team. Tapos yung pag-receive nila sa amin very warm talaga. Iba lang sa pakiramdam yung na-appreciate yung ginawa mo,” he said.