• Home
  • Fresh Scoops
  • Karylle to stage a repeat of ‘A Different Playground’ concert

Karylle to stage a repeat of ‘A Different Playground’ concert

Karylle is happy to be going back to one of her firs loves.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/9/2016 9:51 AM
Karylle to stage a repeat of ‘A Different Playground’ concert


110916-Karylle_PUSH.jpgDahil sa naging tagumpay ng kanyang na unang concert na A Different Playground, muling nagbabalik entablado ang It's Showtime host na si Karylle para sa repeat ng kanyang concert kung saan mapapakinggan ng kanyang mga tagahanga ang kanyang mga awitin sa darating na November 11 (Friday, 8 pm) sa Teatrino in Promenade, Greenhills.

Makakasama ni Karylle sa kanyang concert ang mga special guest at kaibigan na sila R&B King JayR, Tatay Antonio ng It's Showtime’s top-rating segment na Tawag Ng Tanghalan. Kasama din sila Robin Nievera, at ang lead vocalist ng Sponge Cola at asawa ni Karylle na si Yael Yuzon.

Sabi pa ni Karylle, itinuturing niya na isang malaking blessing ang pag-perform at ang pagkakaroon ng concert dahil nandito ang kanyang passion bilang isang performer at mang-aawit.

 "It's great to perform again. Singing and performing on stage is one of my first loves and it's such a blessing to be able to that." 

Samantala, Masaya naman din ngayon ang mga fans ni Karylle dahil sa kanyang muling pagbalik at pagiging aktibo sa kanyang hilig ang pag-awit, pero mas inaabangan din ngayon ng mga fans ay ang balita kung kailan siya mag-bubuntis para sa kanyang panganay.