• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jameson Blake says he’s not really looking for a love team partner

EXCLUSIVE: Jameson Blake says he’s not really looking for a love team partner

Jameson Blake admits being part of Hashtags has boosted his self-confidence.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/9/2016 9:49 AM
EXCLUSIVE: Jameson Blake says he’s not really looking for a love team partner


110916-JamesonBlake_PUSH.jpgDalawang malalaking TV commercials na puro lead (Coke and Bingo biscuit) ang ginawa noon ni Jameson Blake bago pa siya pumasok sa Pinoy Big Brother. Since then at pagkatapos niyang maging member ng Hashtags ay hindi na siya ulit naging active sa commercial world.

Ano nga ba ang nangyari?

You won’t see me in commercials kasi after PBB naging busy na ako especially with Hashtags so wala akong time mag-VTR and mag-casting. Pero minsan, tina-try ko naman, kaya lang ang layo ko sa Makati.

“Tapos siyempre, I prioritize yung work ko dito sa ABS, that’s why I’m not really doing commercials as of the moment,” katwiran ni Jameson.

Hindi man ganu’n ka-popular si Jameson kung ikukumpara sa ibang Hashtags members like McCoy de Leon, Ronnie Alonte at Nikko Natividad pero hindi raw naman siya nakakaramdam ng insecurity sa mga kasamahan.

“Hindi naman actually. I don’t really look at each other as competition naman. I’m actually proud sa ibang member like Kuya Ronnie, McCoy, they’re really exhilarating in a fast way in their careers so I’m happy for them.

Maybe it’s all about timing and from what I have now or just being a Hashtags member satisfied na ako. Being Hashtags member made me confident in what I was doing. It made me discover talents na I never though I could do.

We just look at each other as a group. We humble each other and yon, there’s no inggit or any jealousy between us,” paliwanag ni Jameson.

Inamin din ng binata na wala talaga siyang tiwala sa sarili at malakinig bahagi daw ang Hashtags para ma-develop ang kanyang confidence.

“Oo dati, wala talaga. Sobrang mahiyain ako. Hangang ngayon naman pero slowly I’m breaking out of my shell. Pero dati kasi I didn’t want to do hosting, I didn’t want to dance. Parang pinipilit ko lang yung sarili ko,  eh, para sumayaw or to even sing,” pag-amin niya.

Ano naman ang reaksyon niya sa pagkakaroon ng love team?

For me, I’m not really looking for love team. Mas gusto ko nga maging solo because like… well, other than yung focus is on me. Pero siguro, since I’m starting at sila nasa showbiz na a bit longer than me, so for me, being solo is a good start,” paliwanag niya.

Dagdag pa ng binata, kontento naman daw siya sa nangyayari sa buhay niya ngayon.

“Yung ngayon, I’m already satisfied with what I have, especially yung having daily show (It’s Showtime), and being with Hashtags. As long as I’m enjoying what I’m doing and I love what I’m doing, I’m already good with it. And whatever comes… any project, any offers that I get, I’ll take every opportunity,” he said.

Samantala, kasama si Jameson sa pelikula ni Khalil Ramos na 2 Cool 2 Be 4gotten na entry sa Cinema One Originals.