• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao faces new challenge in Cinema One Originals’ ‘Lily’

Shaina Magdayao faces new challenge in Cinema One Originals’ ‘Lily’

Shaina Magdayao is proud to do a film shot in her hometown of Cebu.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/8/2016 10:12 AM
Shaina Magdayao faces new challenge in Cinema One Originals’ ‘Lily’


110816-ShainaMagdayao_PUSH.jpgNapapadalas na rin ang paggawa ng indie film ni Shaina Magdayao. Her latest film titled Lily na isang horror ay kasali sa Cinema One Originals na mapapanood simula November 14 hanggang 22 sa selected cinemas.

Ayon sa aktres, espesyal sa kanya ang pelikula dahil sa hometown niya sa Cebu ito kinunan.

“Kaya ako umoo dito because it’s going to be made in Cebu and shown in Cebu with the whole team na Bisaya. Tapos ang dialogue pa ay pure Visayan na maiintindihan lang ng iba through subtitles.

“Gusto ko ring suportahan sila because they’re very talented people. Para na rin mabigyan sila ng opportunity at ngayon ngang nabigyan na ng opportunity, I’m willing to help as much as I can. Meron din nga silang Binisaya film fest and I’m glad na nag-e-emerge na siya,” masayang kuwento ni Shaina.

First time din daw na dumalaw sa syuting niya ang daddy niya na never pa nitong ginawa sa mga past movies niya.

 “Sobrang proud nga si Daddy dahil binantayan niya ako dahil gusto niya akong mapanood at magsalita ng Bisaya,” sey pa niya.

Eh, ano ba ang pagkakaiba ng Lily na idinirek ni Keith Deligero, isang Visayan filmmaker, sa mga horror movies na nagawa niya before?

“Marami na rin kasi akong nagawang horror movies pero iba siya sa mga aswang na napapanood natin. Iyong ibang horror films, gugulatin ka o talagang tatakutin ka o may mga habulan. Dito, hindi siya ginawa para takutin ka lang dahil punung-puno siya ng kuwento. It’s more of psychological siya,” paliwanag ng aktres.

Dugtong pa niya, “Ang Lily ay tungkol sa isang babaeng napapabalitang aswang pero sa likod nito ay natatago ang kuwento ng isang inang naghahanap ng katarungan sa sinapit na trahedya.”

Malaking challenge din para kay Shaina ang Lily.

“Nag-prosthetics ako pero mas mahirap yung acting at yung diction. Ang hirap na umaarte ka na meron kang accent at the same time, lalo na’t hindi ako ganoon ka-fluent sa Cebuano. Pero awa ng Diyos, naitawid ko naman,” proud niyang pahayag.

Very proud din si Shaina na ibinihagi kung sinu-sino ang supporting cast sa kanyang pelikula.

“Bongga ang mga support. Natupad ang pangarap ko kahit papaano na makasama si Direk Lav (Diaz) na may special participation dito. Tapos si Rocky (Salumbides) na napaka-gentleman. Meron pang Ate Eula (Valdez) na nag-cameo rito. Si Ate Vina (Morales) nga kasama sana siya kaya lang hindi siya nakaabot,” pagtatapos ni Shaina.