• Home
  • Fresh Scoops
  • Rosanna Roces wants to move on from negative issues of the past

Rosanna Roces wants to move on from negative issues of the past

Rosanna Roces also reveals she is getting ready for her upcoming wedding to her lesbian partner.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/8/2016 10:00 AM
Rosanna Roces wants to move on from negative issues of the past


110816-RosannaRoces_PUSH.jpgInspired at masaya ngayon ang aktres na si Rossana Roces sa pakikipag kuwentuhan niya sa entertainment press sa isang bagong bukas na wellness clinic sa Kawit, Cavite na Boost Beauty Clinic kung saan siya ang main endorser.

Dito binalita niya ang kanyang mga paghahanda sa nalalapit na kasal sa lesbian partner niya na si Blessy Arias na kanyang ka relasyon ng mahigit dalawang taon.

Bahagi ng kanyang paghahanda ay ang muling pagsailalim sa liposuction procedure at breast reduction. Matatandaan na isa si Osang sa mga unang TV pesonality na lantarang umamin na naka ilang ulit siya sumailalim sa cosmetic beauty enhancement sa isang sikat na beauty clinic ngayon na minsan din niyang nakasamaan ng loob.

Sa panayam na ito kay Rosanna, aminado siya na wala na sa kanya ang mga issue ng samaan ng loob. Aniya puro positibong bagay nalang ang kanyang iniintindi ngayon.

"Sa akin naman kasi pag matagal na, hindi na tayo dapat umarte ng parang meron pa e alam mo yun ang korni naman kung ganun pa din ang attitude ko. Andami na din nangyari sa buhay ko tapos ganon pa din ba dapat? Problema na siguro nila ang presence ko. Basta ako wala akong problema sa presence nila."

Sabi pa ni Osang hindi na siya nakikipag-aayos ngayon o ano pa man. Ang sakanya lang ay tanging tadhana na lang daw ang mag uudyok para sa kanila kung sila ay magkikita at mag kakaayos pang muli.

"Hindi ko sinasbing makikipag-ayos ako o makikipagbati, kumbaga hindi na dapat tayo nag aaway-away hindi na ito ang panahon natin, kung magkikita e di magkita okay lang."

Naging mahinahon naman ang kuwentuhan ng mapag-usapan na ang kanyang dating talent manager na si Lolit Solis. Ayon kay Osang, nag-aalala siya para sa kanyang dating kaibigan dahil sa napansin niya ang pagkapayat nito.

"Actually kay Manay Lolit nag-worry ako for her, kasi ang payat niya ngayon. Hindi ko naman sinasabi na nag drugs siya ah, kumbaga kasi kilala mo naman si Manay Lolit diba kumbaga hindi lang siguro ako sanay na payat siya ngayon kaya nag worry talaga ako," sambit ni Osang

Naitanong din sa Aktres kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling dumating ang pagkakaton na mag kita sila ng mga dating kaibigan na nakasamaan ng loob ayon kay Osang.

"Wala naman nang problema sa akin. Hindi naman na kasi yan ang malaking problema natin ngayon, Mag paka-addict na lang tayo sa mga masasayang bagay," pagtatapos ni Osang.