Rayver Cruz admits he’s attracted to Maja Salvador

Rayver Cruz reveals he finds Maja Salvador sexy when she’s dancing.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/7/2016 5:56 PM
Rayver Cruz admits he’s attracted to Maja Salvador


110716-RayverCruz_push.jpgSa Gandang Gabi Vice, matapos ang sexy dance number ni Maja Salvador at Rayver Cruz, inamin ni Rayver na na-aapektuhan siya kay Maja Salavador kapag sumasayaw ito. Ani Rayver, “pag nagpeperform siya oo naman. Hindi talaga. Sobrang sexy. Iba talaga datingan niya pag nagpeperform siya e, grabe.”

Inamin rin ni Rayver na sumagi sa isip niyang ligawan si Maja. “Dumaan sa isipan ko, hindi ako magsisinungaling, pero kasi ayaw ko rin masira ang pagkakaibigan namin.”

Nakadagdag pa sa pag-aalinlangan ni Rayver na ligawan si Maja dahil common friend nila ang ex ni Maja na si Gerald Anderson. “Yun din yung isang problema. Mahal ko sila parehas ha. Mahal ko kasi yung mga kaibigan ko. Parang ang hirap lang ng sitwasyon if ever.

Aminado rin si Rayver na nagpaparamdam siya kay Maja. “Siyempre may mga ninja moves din ako, pero nakikita niya agad.”

Nang tanungin naman si Maja kung bakit na bro-zone niya si Rayver, sabi ng aktres, “Para rin kasi siyang si Enchong (Dee), mga taong ayaw mo na mawala sa buhay mo.”

Kwento pa ni Maja, minsan ay sinabi sa kanya ni Rayver na, “Kasi naman bro kung ako na lang e di sana masaya ka lang.”  Pag-amin pa ni Rayver tungkol dito, “jokes are half meant.” Alam din naman ito ni Maja, “Jinu-joke niya pero alam kong may meaning.”

Punch line pa ni Rayver kay Maja, “Binubro-bro mo ako, baka sa akin ka rin bagsak!”