• Home
  • Fresh Scoops
  • What ex-PBB housemate Margaux Midwinter learned from Ellen Adarna

What ex-PBB housemate Margaux Midwinter learned from Ellen Adarna

Margaux also shares tips for the current PBB regular season housemates.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/7/2016 12:40 AM
What ex-PBB housemate Margaux Midwinter learned from Ellen Adarna


110716-EllenMargaux_PUSH.jpgSi Margaux Midwinter ang isa sa celebrity endorsers ng bagong Boost Beauty Clinic sa Kawit Cavite. Dito nagkaroon tayo ng pagkakataon na maka-chikahan si Margaux na gumawa ng ingay sa nakaraang Star Magic Ball dahil nag-announce ang kaibigan niyang si Ellen Adarna na sila ang magka-date sa event.

"Nagulat din ako, ang sabi ko ‘why not?’ She’s so mabait sa akin and then alam ko magiging masaya ako diyan kasi she’s so funny, she’s the life of the party, so nag-enjoy talaga kami," kwento ni Margaux.

Mabait daw sa kanya si Ellen, simula pa noong bago siya naging housemate sa bahay ni Kuya. Supportive daw ito pero di niya kaya na makipag sabayan ng ka-sexyhan kay Ellen.

"I think that’s more of her character unlike sa akin mas timid ako," natatawang pahayag ni Margaux.

Bilang former housemate ng PBB nagbigay ng tip si Margaux sa mga present housemates.

"Just breathe kung nai-stress ka. Just be yourself. Yung mga tao they want to see your real character, di ba? so don’t pretend whatever you feel mag-share ka na lang. It’s more of a learning experience there eh, you’ll learn how to handle yourself and how to handle other people."

Samantala, prangka sa pagsagot si Margux at kakaiba ang kanyang naging kasagutan nang itanong natin kung sino ang kanyang showbiz crush.

"My showbiz crush? They’re a couple eh! Enrique (Gil) and Liza (Soberano)! Liza’s so pretty and Enrique is so handsome, sila ang crush ko!" pagtatapos ni Margaux.