• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda shares more about his new movie “Super Parental Guidance”

Vice Ganda shares more about his new movie “Super Parental Guidance”

Vice talks about working on a new comedy film without director Wenn Deramas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/7/2016 1:08 AM
Vice Ganda shares more about his new movie “Super Parental Guidance”


110716-ViceGanda_PUSH.jpgKasama sa nakisaya ang Unkaboggable Star na si Vice Ganda sa pagbubukas ng giant Christmas tree display ng Araneta Complex kung saan nakasama din ang iba pang Kapamilya stars.

Sa kalagitanaan ng programa inanusyo ni Vice ang official title ng kanyang bagong pelikula na mapapanuod sa darating na kapaskuhan ang SPG o Super Parental Guidance.

Dito makakasama niya ang dalawang cute na mga bata na sina Mcneal Briguela o mas kilala bilang si Awra at ang bagong child wonder na si Onyok Pineda ng FPJ's Ang Probinsyano at kasama din ang Primetime King na si Coco Martin.

Kuwento ni Vice pormal na nila itong ipinasa sa jury ng Metro Manila Film Festival 2016 upang mapabilang sa opisyal na listahan ng mga entry na mapapanuod sa kapaskuhan na iaanunsyo sa darating na November 10.

"Yes Super Parental Guardiance, tapos na din at ready na ang pelikula, kasi di ba may deadline na so dapat nakapag pasa kami ng entry bago nag-deadline," pahayag ni Vice.

Dahil ito ang unang taon at unang pasko na hindi na ang namayapang si Direk Wenn V. Deramas ang makakasama niya sa pag buo ng pelikula, naitanong din kay Vice kung kamusta ang pakikipag trabaho sa kanilang bagong direktor na si Direk Joyce Bernal.

"Happy ako, and happy din for having Direk Joyce Bernal for the movie, Nung simula nakakakaba noong first time namin mag-shoot tapos nanood kami ng mga rushes, ramdam namin na iba na siyempre, ramdam kasi iba ang galaw ng isang Joyce Bernal pero nung nagtapos na kami nasabi namin na iba at maganda," sabi ng komedyante.

Dagdag pa ni Vice, aabangan din ang mga kwelang batuhan nila ng linya ni Awra na unang beses palamang magkakaroon ng pelikula.

"Aabangan natin talaga kasi kung dati dalawa lang kami ni Coco ngayon may kasama na kaming dalawang cute na bata na sila Onyok at Awra kumbaga iba na talaga ang dynamics," pagtatapos ni Vice.