Piolo Pascual and Maine Mendoza meet for the first time

Rare photos of the two stars from rival networks together have gone viral.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/7/2016 1:18 AM
Piolo Pascual and Maine Mendoza meet for the first time


110716-mainepiolo_pod.jpg

Viral ngayon sa social media ang mga larawan nina Piolo Pascual at Maine Mendoza sa isang event sa Biñan Laguna (November 5) kung saan kapwa sila guest para sa kanilang common endorsement.

Mistulan naging isang fan girl si Maine nang nakita si Piolo at isinigaw ang "Aylabyu Piolo!" na sinuklian naman ng matatamis na ngiti ng Kapamilya actor.

Dahil sa first time nilang pagkikita, hindi na pinalagpas ni Maine ang pagkakataon para magkaroon sila ng picture ng aktor.

Kilala at kapwa malalaking pangalan sa dalawang magkalabang network si Piolo at Maine kung kaya isang bihirang pagkakataon ang pagkikita nila na ikinatuwa ng maraming fans.