• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino admits admiration for fellow actor Dingdong Dantes

Paulo Avelino admits admiration for fellow actor Dingdong Dantes

Paulo says he is lucky to be working with great actors like Dingdong and Angelica Panganiban.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/7/2016 1:07 AM
Paulo Avelino admits admiration for fellow actor Dingdong Dantes


110716-PauloAvelino_PUSH.jpgContestant lang noon si Paulo Avelino ng reality show na Starstruck ng GMA-7 kung saan si Dingdong Dantes naman ang host. Pero ngayon ay parehas na silang leading man ni Angelica Panganiban sa pelikulang The Unmarried Wife ng Star Cinema.

Ka-batch noon ni Paulo sina Aljur Abrenica, Jewel Mische at Martin Escudero pero parang sobrang layo na ng narating ni Paulo kumpara sa kanila.

First time magsama nina Paulo at Dingdong sa pelikula at ayon sa actor, masaya siyang makatrabaho ang actor na nirerespeto at tinitingala niya.

“I’ve always been looking up to Kuya Dong not just for his talent as an actor and his artistry and his passion for films he’s producing, but also as a role model para sa society natin.

“Palaging nandu’n at palaging hindi mawawala ang respeto ko kay Kuya Dong,” sambit ni Paulo.

First time din ni Paulo to work with Angelica at nag-enjoy din daw siyang katrabaho ang aktres.

“Nag-e-enjoy akong kasama si Angelica kahit off screen. Kasi, ‘yun nga, parang minsan, tahimik lang siya. Minsan, parang ako ‘yung nape-pressure na mag-isip ng topic para mapag-usapan namin, eh,” natatawa niyang sabi.

“Masaya lagi. Lagi siyang may kinakanta sa set na nakakatawa. Ang dami niyang bagong baon,” natatawa pa rin niyang dugtong.

Sobrang nakakabilib din daw katrabaho ang aktres lalo na sa kanilang mga eksenang magkasama.

“It’s so nice to work with someone na kaharap mo pa lang, tinitingnan mo pa lang, nadadala ka na, napapaniwala ka na. At siyempre, gandang-ganda ka na rin. Napapaniwala ka agad sa gustong sabihin ng karakter niya sa eksena. “So, I’m very blessed actually to work with two very good actors,” he said.

Kung hindi nakikita ni Angelica ang sarili na magpapakasal, total opposite naman nito si Paulo.

“Hoping to get married someday pero tingnan natin. Kumbaga, kino-consider ko pa naman yung sarili kong bata at marami pa akong gustong gawin at gustong magawa bago ako mag-settle down,” pahayag niya.

Katulad ng role niya sa The Unmarried Wife, posible din ba siyang ma-in love sa babaing may asawa sa totoong buhay?

“Para sa akin, automatic, pag may karelasyon or may asawa na ‘yung babaeng kaharap mo, siyempre parang may limitasyon ka na, alam mo na kung hanggang saan. Alam mo na hindi mo pwedeng pormahan.”

Dagdag pa niya, hihintayin na lang daw niyang maging free ang girl bago niya ito pormahan.