• Home
  • Fresh Scoops
  • MMFF Committee releases official statement on selection of entries

MMFF Committee releases official statement on selection of entries

Nilinaw ng mga miyembro ng MMFF executive committee kung ano ang ibig sabihin ng ‘Picture Lock’ na nakasaad sa kanilang bagong patakaran.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/7/2016 1:00 AM
MMFF Committee releases official statement on selection of entries


110716-MMFF_PUSH.jpg

Inaabangan ng mga Pilipino tuwing kapaskuhan ang mga pelikulang kasama at kalahok sa taunang selebrasyon ng Metro Manila Film Festival (MFF) na kanilang mapapanuod sa mga sinehan.

Dahil sa malaking pagbabago at mga bagong patakatan ng taunang selebrasyon, naging maaga ang pag sususmiti ng mga pelikulang isasali sa patimpalak na naging dahilan din ng mga movie makers na madaliin ang kanilang mga entry na naayon sa deadline na binigay ng executive committee na palugit noong November 2.

Aminado naman ang MMFF Executive Committee na malaking pagbabago ang kanilang ginawa para makapagbigay ng dekalibreng pelikula na naayon para sa mga manunuod, kung kaya naglabas sila ng kanilang official statement kung saan naka saad ang kanilang mga paglilinaw ukol sa kanilang mga nais para sa mga entries na naghahangad na makapasok sa Magic 8.

"This year, the Metro Manila Film Festival's Executive Committee introduced a most crucial policy change. Instead of basing the selection process on screenplays, as has been the practice for many years, it now requires the submission of finished movies.

“Our decision to accept films submitted and finished at the picture lock stage is merely a clarification of the rules and NOT a revision.

“For the information of the public "Picture lock" is defined as a stage in film editing prior to online editing when all changes to the film cut have been done and approved. It is then sent to subsequent stages in the process, such as online editing and audio mixing. (Ascher, Steven and Pincus, Edward. The Filmmaker"s Handbook:A Comprehensive Guide for the Digital Age. 2007)

“This allows the refinement of all eventual eight finalists in terms of sound, music, color, and visual effects, but definitely disallows any alteration to the edit of the film."

Ibinase din ng execom ang kanilang naging desisyon na “Picture Lock Policy” sa mga batikang film editors na sila Edgardo "Boy" Viranao at Danny Anonuevo na nagsisilbing advisor ng MMFF Executive Committee.

Para kay Boy, "Isang buong pelikula na walang music, effects, grading etc. Hindi na pwedeng magalaw ang pelikula dahil nakalock na nga, ibig sabihin wala ng pwedeng madagdag o mabawas na eksena. Kung ang isa-submit ng producer ay picture lock at isang criteria sa pagpili ay technicality, na sa MMFF eh 40%, ibig sabihin mababa ang score na makukuha nila sa technicalities, mahihirapan silang makapasok sa Top 8."

Ayon naman din kay Danny "'Picture Lock' means final approved offline edit of the movie, pwedeng may music o wala pero wala pang visual effects, color grading or any enhancement ng picture or ng video. Ang 'Picture Lock' or final approved offline ang magiging basehan sa 'online,’ meaning pwedeng gawin lahat ng enhancement sa video at audio para mapaganda ang quality ng buong pelikula pero hindi na dapat galawin ang edit dahil ito ay picture lock na.”

ISa huli nais padin ng MMFF 2016 Executive Committee ang kaayusan, maganda at dekalibreng pelikula na mapapanuod ng mga Pilipino ngayong panahon ng Kapaskuhan.