• Home
  • Fresh Scoops
  • Maryo J. delos Reyes believes ‘The Unmarried Wife’ star is an excellent actress

Maryo J. delos Reyes believes ‘The Unmarried Wife’ star is an excellent actress

Director Maryo J. delos Reyes thinks it’s time to push the next generation of stars to the forefront of showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/6/2016 9:21 AM
Maryo J. delos Reyes believes ‘The Unmarried Wife’ star is an excellent actress


110616-MaryoDeLosReyes_PUSH.jpgKomportable si Direk Maryo J. delos Reyes tuwing gagawa siya ng pelikula sa Star Cinema kahit pa pagdating sa pagdidirek ng TV show ay sa GMA-7 siya identified ngayon. Direk Maryo’s latest film sa Star Cinema is The Unmarried Wife na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Paulo Avelino at Angelica Panganiban.

“Charo (Santos) was my first actress nu’ng unang pelikula ko and I can directly talk to them, kina Cory (Vidanes), Malou (Santos), at saka nasasabi ko naman yung gusto kong sabihin at saka yung mga nararamdaman ko. So, relax naman ako.

“Tapos binibigay naman nila yung mga hinihingi ko, yung mga kailangan ko sa set, saka mga… basically technical requirements. At saka naka-communicate ako nang direkta sa kanila,” paliwanag ni Direk Maryo kung bakit siya komportableng magtrabaho sa Star Cinema.

Para sa director, napakaimportante ang latest film niyang The Unmarried Wife dahil hindi lang daw ito basta tumatalakay sa pakikipagrelasyon.

The movie doesn’t only talk about relationship. For me it’s a very important film kasi marami siyang topics na sinusundot o pinag-uusapan. Unang-una na ang kasal, tapos yung mga problema tungkol sa marriage, sa family, magkaanak.

It talks about annulment, separation, being a solo parent, tapos relationship sa children. I think this is a good film to become a benchmark or topic for discussion,” paliwanag naman niya tungkol sa mga nilalaman ng kanyang pelikula.

Regarding his artists, aminado si Direk Maryo na hindi siya nahirapang makatrabaho ang kanyang artista. Puring-puri din niya si Angelica.

She’s really an excellent actress. Hindi ako nahihirapan bilang director. Hindi tulad sa iba na talang nagdo-double effort ako. Tapos gusto ko siyang i-elevatelet’s push up our stars. I mean, itulak na natin sila kasi tumatanda na rin yung nasa taas, eh. Para yung mga nasa ibaba, pumasok na.

And I think, it’s their generation. Sila na yung… yan na yung ano, eh, at hindi sila nawawala sa uso. I believe that we have new actors and actresses now who na dapat i-acknowledge who have arrived at this point and I commended, and I’m so happy na nakasama ko sila sa pelikula,” referring to his actors brilliance in the movie.

As far as directing is concerned, tinutukan talaga ni Direk Maryo ang The Unmarried Wife.

“Talagang binigyan ko ito ng panahon. Ibig sabihin, hindi lang yung intelligence ko kundi yung panahon at saka yung dedication. Sa pagod ko nga, nauntog na nga ako sa salamin. Siguro, it got in to me yung fatigue.

“Kaya lang, it paid off. At saka nasisiyahan ako sa nakikita kong resulta nung aking ginawa. Kaya nga sinasabi ko na isang importanteng pelikula ito para sa akin. Matagal na akong nagdidirek, I’m now on my 45th year. Matanda na, pero yung wisdom nag-i-enjoy ako na habang nag-i-age ka binibigyan ka ng Panginoon,” pagtatapos ng premyadong director.

Showing na ang The Unmarried Wife sa November 16.