• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban on being single: ‘Ayoko naman tumanda mag-isa’

Angelica Panganiban on being single: ‘Ayoko naman tumanda mag-isa’

Angelica Panganiban admits she has a plan B in case she doesn’t get married.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/6/2016 9:44 AM
Angelica Panganiban on being single: ‘Ayoko naman tumanda mag-isa’


110616-AngelicaPanganiban_PUSH.jpgIn her latest movie The Unmarried Wife, Angelica Panganiban plays a woman who is betrayed by her husband (played by Dingdong Dantes). "Si Anne believer siya ng love. Actually nung una hindi yun ang priority niya sa buhay. Hanggang sa nakilala niya si Dingdong kaya pinaniwala siya sa isang fairy tale na masarap pala magmahal. Ganito pala yung magbuo ng isang pamilya. Along the way may nangyayari talaga na mga lubak, nagkaroon ng mga problema. Mapapanuod natin dito kung paano nila iha-handle mag-asawa yun,” she shared during The Unmarried Wife media launch held last November 3 inside the ABS-CBN compound.

The 30-year-old actress said that her views on marriage have changed after her experiences in relationships. "Hindi ko alam eh, ayoko naman tumanda mag-isa. Pero ang idea lang sa akin ay hindi tumandang mag-isa. Magkaroon ako ng special someone, anak man yan or lalake or best best friend. Kahit na sino basta ayoko lang tumanda mag-isa. (Ang marriage) Hindi siguro in the near future pero alam niyo ang isip naman ng tao nagbabago yan kaya and baka ma-misquote lang ako. Nirerespeto ko lahat ng mga taong nakakita ng kanilang partners at successful sa kanilang married life. And how I wish di ba someday nga ay maging ganun ang mangyari sa akin,” she explained.

The Unmarried Wife star said she has yet to meet the guy that will restore her faith in marriage again. "Wala pang nakakakapagpaniwala sa akin na kayang i-surrender lahat at pagsisilbihan ko siya habambuhay. Siguro kasi ngayon nasa stage ako na ako lang, ako lang muna. Pagsisilbihan ko muna ang sarili ko, mamahalin ko muna ang sarili ko. Kaya hindi ko pa siguro nakikita na dini-dedicate ko yung sarili ko. Hindi ko pa siya kaya ibigay ng buong buo kaya hindi ko pa masagot yung tanong na kaya akong ikasal. Hindi ko pa naman siya naiisip so far. Masyadong loaded yung isip ko. Kumbaga mentally and physically ay involved na involved ako sa pelikula,” she shared.

Angelica shared that she has learned a lot from her painful experiences from love. "Hindi, hindi ganun kasakit. Magtira ka sa sarili. Yun ang ginawa ko, nagtira. Mali ata yun eh. Kaya yung susunod ko, hindi ko na siya ulit susundin. Buong buo na naman, ganun. Pero kailangan mo tanggapin yun na eventually na kung hindi para sa iyo, hindi para sa iyo. Kung para sa iyo eh di salamat. Pero kung hindi, move on tayo at bili tayo ng maraming pusa atsaka aso (laughs),” she added.

When it comes to love, Angelica said she should not be giving advice on when to fight for relationships. "Hindi ko alam, hindi naman ako expert pagdating sa pagmamahal at sa relationships kaya hindi ko masasabi kung hanggang kailan ka kailangan lumaban. Nasa sa ‘yo yan pero sana huwag lang mawala sa iyo yung respeto mo sa sarili mo sa ibang tao,” she said.