• Home
  • Fresh Scoops
  • Wil Dasovich wants to find someone special inside Kuya’s house

Wil Dasovich wants to find someone special inside Kuya’s house

Wil Dasovich recounts how he was discovered as a model.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/5/2016 10:40 AM
Wil Dasovich wants to find someone special inside Kuya’s house


110516-WilDasovich.jpgSa TV Patrol, inamin ni Wil Dasovich na tatlong beses siyang nag-audition sa Pinoy Big Brother bago siya nakapasok sa naturang reality show.

Si Wil ay galing San Francisco at isa siyang YouTube blogger at model.

“Super masayahin, makulit, basta a big ball of energy. I am very very excited. I am excited to meet new people, free food and the house,” sabi niya tungkol sa kanyang sarili.   

Kwento pa niya 2013 siya nagdesisyon na tumira sa Pilipinas matapos siyang ma-scout bilang isang model. “I was scouted in the mall, kumakain lang ako, tambay lang. Someone approached me and said hey do you want to try modeling and super gulat ako.”

Bukas rin si Wil kung makakakita siya ng mamahalin sa bahay ni Kuya.  “Maybe I’ll find that special someone, we’ll see.”

Papasok na si Wil bilang regular housemate ng PBB Lucky Season 7 ngayong Sabado ng gabi.