Paulo Avelino admits he’s seeing someone

Paulo Avelino remains tight-lipped about his love life.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/6/2016 12:40 AM
Paulo Avelino admits he’s seeing someone


110516-PauloAvelino.jpgKahit nagmamadaling umalis sa presscon si Paulo Avelino after ng presscon ng The Umarried Wife dahil didiretso pa raw siya sa taping, ay nagpaunlak muna siya ng short interview sa Push.com.ph at sa ilang taga-media.

Kaagad naming inusisa ang napapabalitang pagkakaroon niya ng bagong karelasyon pero kaagad naman itong itinaggi ng actor.

 Yeah, I’m currently dating. But I won’t give any specific (name),” sabay tawa niya.

It’s nice to see people also and make you realize na malaki ang mundo,” patuloy niya na natatawa pa rin.

Kelan ba siya huling nakipag-date?

“Hindi ko nga maalala pero dumating yung motor ko mga May… Simula nu’ng May pa ako napapasaya ng motor ko,” paiwas niyang sagot sa amin.

In love ba siya ngayon?

In love ako sa mga motor ko at sa trabaho,” pag-iwas ulit niya sa tanong.

Humirit ulit kami ng tanong kung gusto ba niyang isekreto na lang ang kanyang love life since puro naman paiwas ang mga sagot niya sa amin.

Sabi niya, “Parang hindi ko nga alam kung mangyayari pa yan sa buhay ko ngayon. Alam n’yo yon, ayaw ko lang pangunahan yung mga haka-haka o mga lumalabas na (balita).

“Siyempre, gusto rin naman nating lahat ng tahimik na buhay, pero ayoko lang na may mga nadadamay at mga naapektuhan na… O baka may maapektuhan sa hindi magandang paraan,” paliwanag ng actor.

Alin ba ang takot siyang maapektuhan, yung binubuo ba nilang relasyon?

In general yon,” natatawa niyang sagot.

Samantala, ano naman ang reaksyon ni Paulo na among Kapamilya actors ay masuwerte siyang palaging nabibigyan ng projects sa TV man o movie?

Actually, nagugulat nga rin ho ako, eh, kung bakit ganito ako ka-blessed ngayon. I think yung dedication and passion ko sa work ang dahilan kung bakit ngayon nandito ako at hanggang ngayon nako-consider ako sa proyekto dito sa ABS at pati sa pelikula na rin,” humble na pagtatapos ni Paulo.