• Home
  • Fresh Scoops
  • Maxine Medina is excited about the upcoming Miss Universe pageant in Manila

Maxine Medina is excited about the upcoming Miss Universe pageant in Manila

Maxine Medina is busy training to bring home the Miss Universe crown again.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/5/2016 10:27 AM
Maxine Medina is excited about the upcoming Miss Universe pageant in Manila


110516-MaxineMedina.jpgPresent ang mga Binibining Pilipinas 2016 beauties na sila Nicole Manalo, Jennifer Hammond at Maxine Medina kasama ang BPCI President na si Stella Marquez-Araneta para sa tradisyunal na Christmas tree lightning ng Araneta center complex.

Dito nagpahayag ng excitement ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Maxine tungkol sa opisyal na pag-anunsyo ng Department of Tourism na dito na talaga sa Pilipinas gaganapin ang 2016 Miss Universe pageant. Aniya, hiling niya ngayong pasko ang back-to-back win ng Pilipinas sa Miss U.

"Nako sobrang excited ako finally, I will represent the Philippines. Once more magiging sa atin ang crown, I'm sure alam niyo na iyan at yun ang wish ko for Christmas and of course this is for the Philippines."

Kuwento pa ni Maxine, excited siya na ipasyal ang mga kapwa kandidata mula sa iba't ibang bansa na pupunta sa Pilipinas para sa Miss U.

"Of course I will be the tour guide and I'm very, very excited to tour them around the Philippines."

Sabi pa ni Maxine ay talagang inihahanda na niya ang kanyang sarili at hindi rin siya nagpabaya para sa kanyang darating na laban para masiguradong masusungkit muli ng bansa ang korona.

"Everyday na ako gumagawa ng assignment ko, reviewing for Q and A. Siyempre doing my best for walking and ang pagiging fit, siyempre hindi din natin pinababayaan."

Pinasalamatan din ng kandidata ang mga pinoy gay community para sa patuloy at walang sawang pagsuporta sa kanya at sa mga kapwa beauty queens sa kanilang mga nagiging laban.

"Maraming maraming salamat po sa lahat ng support niyo and I'm sure kaya natin to makuha (Miss U crown) ulit," pagtatapos ng dalaga.