• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Khalil Ramos says he’s willing to do butt exposure and frontal nudity in a film

EXCLUSIVE: Khalil Ramos says he’s willing to do butt exposure and frontal nudity in a film

Khalil Ramos is very open to the idea of going daring for a good role.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/5/2016 10:08 AM
EXCLUSIVE: Khalil Ramos says he’s willing to do butt exposure and frontal nudity in a film


110516-KhalilRamos.jpgBida si Khalil Ramos sa pelikulang 2 Cool 2 Be 4gotten ng Cinema One Originals na sinulat ni Jason Paul Laxamana at idinirek ni Petersen Vargas. Sa interbyu ng Push.com.ph kay Khalil, diretsahang inamin ng binata na handa siyang maging daring sa mga susunod niyang pelikula.

Kaya ba niya ang magkaroon ng butt exposure?

“Game naman, basta may context. Hindi lang yung masabi lang na merong butt exposure. At siyempre kung along with the story saka powerful yung scene gagawin ko, game!” diretsong sagot ng binatang actor.

Eh, kung may nudity or let’s say frontal nudity?

“Same principle din. I’m very open kasi basta yung character mo solid. Hindi lang siya yung masabi lang na ganun yung gagawin and if it is a brilliant film talaga and if it will do me good sa career ko, eh, gagawin ko. Pero siyempre, ang dami pa ring dadaanan no’n bago ko pa maabot sa point na gagawin ko yon.

“Ang tingin ko kasi sa trabaho ko… I mean I love acting, I love the craft and siyempre gagawin mo nang maayos yung trabaho mo pag ganu’n di ba?” rason niya.

Dark high school comedy na tungkol din sa kabadingan ang tema ng pelikulang 2 Cool 2 Be 4gotten, pero ayon kay Khalil, wala naman siyang kissing scene kay Jameson Blake ng Hashtags sa pelikula.

“Hindi kami nag-kiss pero it’s still out of my comfort zone. Touching-touching lang kami dito,” sabi ni Khalil.

Patuloy pa niya, “It was a bit awkward, pero okey naman… tropa naman kami. Nag-workshop kami with it pero hindi pa rin maaalis yung awkwardness. You just really have to be professional, hindi naman puwedeng ikaw yung maging cause of delay,” sabi pa niya.

Kinausap din daw muna niya ang dalawang baguhang actor na kapareha para maging komportable sila sa mga intimate scenes sa pelikula.

“Since sila, first time kasi and ako medyo baguhan din naman but I’ve been in a couple of films, pero sila as in first time talaga, so sa mga simple pang bagay, medyo hindi pa nila alam ang gagawin pero tinulungan  ko na lang sila.

“And yon, thankfully we became comfortable naman with each other. Naging okey naman yung scenes,” kuwento ulit niya.

Being a conservative guy, ano ang reaksyon niya sa same sex relationship?

“My take on the whole LGBT thing, well ngayon, I’m happy na accepted na siya ngayon all over the world at sana nga dito sa atin ay mag-start na rin siyang ma-implement.

“Ako lang, don lang ako sa kung anong tamang gawin. Pare-parehas naman tayong nilikha ng Diyos and kung ano yung business mo, karapatan mo yon, eh, kasi sa yo yun, eh,” komento pa niya.