ABS-CBN stars welcome Christmas with kick-off parties

Kapamilya stars headline Christmas tree lighting events.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/5/2016 10:16 AM
ABS-CBN stars welcome Christmas with kick-off parties


110516-ChristmasTree.jpgRamdam na ramdam ang kapaskuhan sa buong Pilipinas sa pagsindi ng mga ilaw sa mga Christmas display ng iba’t-ibang mall sa bansa.

Present at dinaluhan naman ng mga most in-demand celebrities ng kapamilya network ang pagpapasinaya ng mga giant Christmas tree display ng dalawang sikat na mall sa Quezon City na itinuturing ng tradisyon ng mga Pilipino.

Bago ang pormal na pag iilaw ng Christmas display ng Araneta Center Cubao, naghandog muna ng mga performance ang mga artista. Unang nag-perform ang mga Goin’ Bulilit stars na sila Marco Masa at Mutya Orquia na talagang nagpangiti sa mga manunuod.

Kilig na awitin naman ang binigay ng mga produkto ng The Voice na sila Jason Dy at Daryl Ong na kinakiligan ng mga kababaihang audience.

Present din ang mga bagong nabubuong love team mula naman sa Pinoy Big Brother house na sila Marco at Vivoree, kasama din sila Maris Racal, Dawn Chang, Loisa Andalio at Inigo Pascual.

Hindi din nagpahuli sa performance si Jonalyn na bumirit sa rendition niya ng “Secret Love Song” ng Fifth Harmony na sinundan ni Alex Gonzaga ng version niya ng “Problem” ni Arianna Grande.

Naging highlight naman ng programa ang pag-awit ni Vice Ganda ng official Christmas station ID ng ABS-CBN noong 2009 na “Star ng Pasko” na naging hudyat ng pag-umpisa ng countdown at pagbubukas ng mga ilaw sa mga Christmas display ng Araneta Complex.

Samantala, isa din giant Christmas tree display ang binuksan ng SM City North Edsa kung saan nakisaya din ang ilang celebrities.

Pinangunahan ni Robi Domingo bilang host ang unveiling ng giant Christmas tree display sa loob ng SM The Block. Dito nakisaya ang mga kapamliya artists na sila Sam Concepcion, Alexa Ilacad at ang The Voice Kids season 2 winner na si Esang de Torres na siyang kumanta ng official Christmas jingle song ng shopping mall.