• Home
  • Fresh Scoops
  • Snooky Serna admits she’s considering marrying her 60 year-old boyfriend

Snooky Serna admits she’s considering marrying her 60 year-old boyfriend

Snooky Serna reveals what is keeping her from tying the knot again.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/4/2016 10:33 AM
Snooky Serna admits she’s considering marrying her 60 year-old boyfriend


110416-SnookySenra.jpgMalaki ang pasasalamat ni Snooky Serna na sa loob ng halos tatlong taon ay naging mabuti ang pagtrato ni Marina Benipayo, partner ngayon ni Ricardo Cepeda na dati niyang asawa, sa dalawang dalagang anak niya sa actor.

“I’m very thankful talaga na ganu’n niya tinanggap at inaalagaan ang mga anak ko. My children have been telling me na okey siyang mag-alaga sa sa kanila, they enjoyed her company, so I’m very thankful talaga,” emosyonal na pahayag ni Snooky sa Push.com.ph nang makausap namin siya sa presscon ng GMA-7 series na Hahamakin Ang Lahat.

Puro professionals na ang anak ni Snooky na ang edad ay 20 and 23.

“They’re not studying anymore, nagtatrabaho na. They’re working girls in Makati for a very good company. And I’m so thankful na nagkaroon kami ng mga supling na lumaki nang maganda, God-fearing and very loving children,” sabi pa niya.

Naging vocal din si Snooky sa pag-amin na meron siyang boyfriend ngayon, pero hindi pa raw niya ito puwedeng pakasalan kahit annulled na ang kasal nila ni Ricardo.

“Ang understanding kasi naming dalawa as a couple, parang kumbaga, pinag-uusapan namin ito na hanggang sa hindi pa siya nagiging kapatid (sa Iglesia Ni Cristo), hindi pa kami puwedeng ikasal. Hopefully, sana maging member siya.

“Hindi naman ako ang magde-decide no’n kundi siya, eh. I don’t want this interview to sound na I’m being a preacher, but then, really, in our faith, hindi naman tayo ang nagde-decide, eh. Pero ang natutuwa lang ako, willing siya (maging INC) not because of me, but because nirerespeto niya ang religion ko.”

Pero ipinagdiinan ng aktres na hindi niya ipagpapalit ang kanyang relihiyon sa karelasyon niya ngayon.

“Siyempre, gusto ko rin ulit ikasal, sino ba namang babae ang ayaw, di ba?

“Kaya lang, kahit gaano ko pa siya kamahal, hindi ko talaga ipagpapalit yung religion ko sa kanya. But then, I am hoping and praying naman na sana huwag naman akong i-test… Ito namang aking partner he’s very open to be a member of our church,” sabi pa niya sa Push.com.

Samantala, Snooky is already 50 years old at ang boyfriend naman niya ay 60.