• Home
  • Fresh Scoops
  • Imelda Schweighart believes that the Miss Earth Crown is destined for Miss Ecuador

Imelda Schweighart believes that the Miss Earth Crown is destined for Miss Ecuador

Imelda Schweighart explains why she resigned as Miss Philippines Earth.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/4/2016 10:34 AM
Imelda Schweighart believes that the Miss Earth Crown is destined for Miss Ecuador


110416-ImeldaSchweighart_PUSH.jpgNagsalita muli si former Miss Philippines Earth 2016 Imelda Schweighart matapos ang kabi-kabilang kontrobersiya na nakapalibot sa kanya ngayon matapos ang naganap na coronation night ng Miss Earth 2016.

Sinagot ni Imelda ang mga batikos mula sa mga naging pahayag niya na laban sa kinoronahang Miss Earth 2016 na si Katherine Espin ng Ecuador na naging hot topic sa social media.

Sa exclusive phone interview na ito ng Tonight With Boy Abunda kay Imelda, ikinuwento niya ang pinagdaraanan at tunay na dahilan ng kanyang voluntary resignation bilang Miss Philippines Earth 2016.

"I don't want to be a bad example to the kids and I know I carry the name of Miss Earth Philippines 2016. You know sometimes I want to be a example in good way. The bad things and bashers online is really something that I don't like, quoted as bad girl like I'm stupid why I said that and I don't want to be part of the issue anymore and I just want to be a normal individual,"sabi pa ni Imelda

Bukod sa personal na desisyon, dinipensahan din ni Imelda ang kanyang ina na kapwa nagdesisyon na din para i-pull out na lang siya bilang isang opisyal ng Ms Philippines Earth 2016. Aniya aminado siya at ang kanyang ina na siya (sila) na mismo ang may kagustuhan nito dahil sa hindi din niya maipaliwanag na mga personal na problema.

"My mother thinks it's not healthy for me to continue on even before the coronation night and she said whatever happens, I'm pulling you out because these people, we know them and they are not going to stop. And I think my attitude din naman is very hard to understand so it's better nalang talaga not to continue."

Aminado din ang former beauty queen na naka apekto din sa kanyang desisyon na pag bibitiw bilang Miss Philippines Earth ang mga reaction na kanyang natatanggap mula sa kumalat na video kung saan binabatikos niya ang kinoronahang Miss Earth 2016 na si Katherine Espin.

"With that viral video, I really feel so violated feeling ko nga sino ba sa mga supporters ko kuno ang kumuha ng video na yun. Bakit ganon yung ginawa nila bina-bash pa? Mali yun e. Kung may ganon man akong sinabi sana hindi na lang kinalat sana inig-nore na lang pero wala na," malungkot niyang pahayag.

Sa kabila ng kanyang pag batikos naniniwala siya na destined talaga para kay Miss Ecuador ang korona at hangad niya ang kaligayahan nito para sa tagumpay niya at ng bawat isa.

"And whatever I say in the last part of that viral video that people forget, ang sabi ko ang perception ko ng Miss Earth kasi is natural. For me natural beauty wins. Personally this is my right because I don't support cosmetic surgery but the crown was destined for her and I'm really happy for her she deserves it and she wants it so much."

Nasasaktan man sa mga negatibong komento laban sa kanya, hangad pa din ni Imelda ang kaayusan at pagkakaunawaan ng mga tao lalo na sa mundo ng social media.

"Don't take everything too seriously [and] makisakay na lang sa hate comments. Kasi ang lungkot lungkot na nga, tignan niyo yung mundo nasisira na puro pera n alang sa mundo. Mag mahalan na lang tayo, baka magbago pa yung takbo ng mundo kapag pagmamahal ang pinairal natin. Mahirap pero understanding is the key," pagtatapos niya.