• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga admits her family’s life now revolves around sister Toni’s baby Seve

Alex Gonzaga admits her family’s life now revolves around sister Toni’s baby Seve

Alex Gonzaga says she’s a doting tita to Baby Seve.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/4/2016 10:35 AM
Alex Gonzaga admits her family’s life now revolves around sister Toni’s baby Seve


110416-ToniAlex_PUSH.jpgProud tita si Alex Gonzaga ngayon sa kanyang month-old na pamangkin na si Baby Seve na anak ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Kuwento ni Alex halos buong pamilya ng Soriano at Gonzaga ay excited at nakatutok sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

"Okay naman maging tita, lagi kaming andon sa bahay. Wala na kaming ibang buhay."

Sabi pa ni Alex dahil sa sobrang cute ni baby Seve, hindi niya mapigilan ang hindi ito halikan palagi.

"Ako lang ang nakakahalik sa cheeks niya tapos nagkaka-rashes. Sabi ng ate ko, madumi daw ang lips ko kaya bawal ko na siya halikan."

Pabirong kuwento din ni Alex ang mga pagbabago sa kanyang pamangkin at ang kung sino na ang nagiging kamukha nito ngayon.

"Ngayon parang nagiging Soriano siya. Actually pinagdarasal talaga namin na huwag siya maging Gonzaga. Tinupad naman [ni] Lord after weeks so happy naman kami kasi cute talaga siya," pagtatapos ni Alex