Ai-Ai Delas Alas reveals birthday wish

Ai-Ai Delas Alas is happy about the recognition her indie film ‘Area’ has achieved.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/4/2016 10:34 AM
Ai-Ai Delas Alas reveals birthday wish


110416-AiaiDelasAlas_PUSH.jpgIpinagmamalaki ng Comedy Concert Queen Ai-Ai Delas Alas ang bago niyang indie film na Area na nanalo ng Special Jury Prize sa 12th EurAsia International Film Festival. Kuwento ni Ai-Ai na masaya silang lahat sa kinalabasan ng pelikula at dagdag ng matatawag ang recognition para sa kanya.

"Hindi naman pero kung pagbibigyan, happy ako at bonus yun. Unang-una kaya ko ito ginawa kasi dream role ko ito at pangalawa gusto ko mag attend ng international film festival. Eh nakarating na ako masaya pala!"

Ibang-iba ang tema at papel ni Ai-Ai sa Area na malayo sa nakasanayan natin sa mga nakaraang pelikula niya sa mainstream cinema. Hindi nagdalawang isip si Ai-Ai dahil naniniwala siya sa proyekto na binigyang direction nii Louie Ignacio.

"Wala akong kaba kasi tumatanda na tayo, nagma-mature na tayo. Kailangan iba naman para magkaroon naman ng ibang genre at magkaroon ng ibang taste kaya ng ibinigay sa akin ito ni direk Louie. Natuwa ako kasi may iba naman ako gagawin sa showbiz at sa buhay ko."

Magse-celebrate ng kanyang birthday si Aiai sa November 11 at espesyal na regalo ang kanyang tatanggapin sa araw na ito mula sa Vatican.

"Sa birthday ko doon ibibigay ang Papal Award ko so napakasaya ko dahil mayroon akong ibang ano na naman ibang bagay na nagagawa sa birthday ko at salamat sa lahat ng blessings na ibinibigay sa akin."

Wala ng magihiling pa sa kanyang birthday si Ai-Ai kundi good health para sa sarili at sa kanyang mga anak.