Veteran actress Lolita Rodriguez passes away at 81

Veteran actress Lolita Rodriguez leaves behind a legacy of award-winning performances.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/30/2016 10:04 AM
Veteran actress Lolita Rodriguez passes away at 81


113016-LolitaRodriguez_PUSH.jpgPumanaw sa edad na 81 ang veteran actress na si Lolita Rodriguez o Dolores Marquez Clark sa tunay na buhay. Ayon sa kanyang inaanak at showbiz columnist na si Pilar Mateo, binawian ng buhay ang magaling na aktres noong November 28, 2016 sa atake sa puso sa Genesis Care Center, Hemet, California.

1953 ng pasukin niya ang mundo ng showbiz sa edad na 18 sa pelikulang Ating Pag-ibig ng Sampaguita Pictures kasama ang tandem nina Tita Duran at Pancho Magalona na nasundan pa ng maraming pelikula. Markado si Lolita sa kanyang husay sa mga ma dramang eksena na napanood sa Cofradia (1953); Kasintahan (1953); Tanikalang Apoy (1955) at Alipin ng Palad (1959). Mahusay din sa comedy si Lolita na nakatambal ni Dolphy sa Jack en Jill (1955).

Award winner din si Lolita na naging Best Actress sa 1979 MMFF para sa Ina Ka Ng Anak Mo; 1975 FAMAS Best Actress sa Tinimbang Ka Ngunit Kulang; at 1968 Best Actress sa Manila Film Festival sa pelikulang Stardoom.

Huling napanood si Lolita sa mga pelikulang Paradise Inn (1985); Lucia (1992) at Anak ni Brocka (2005).

Marami ang nag aalok kay Lolita na muli maging aktibo sa showbiz ngunit mas pinili niya ang tahimik na buhay sa Amerika kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.