Pokwang emotional as mother’s condition grows worse

Pokwang is also planning to move houses for her mom’s sake.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

11/30/2016 10:07 AM
Pokwang emotional as mother’s condition grows worse


113016-Pokwang2_PUSH.jpgEmosyonal si Pokwang nang makausap namin kamakalawa. May kinalaman ito sa kanyang ina na si Gloria. Lately ay kapansin-pansin ang mga posts ni Pokwang sa kanyang Instagram account, kung saan nagsasayaw sila ng kanyang ina.

"Dinadaan ko na lang sa patawa, pero sobrang lungkot ko," sabi ni Pokwang.

"Hindi ko ipinapakita sa kanya na malungkot ako. Na umiiyak ako."

Tuluyan nang nawala ang memorya ni Mommy Gloria. She is suffering from Alzheimer’s syndrome.

Kung noong mga huling buwan ay nababanggit pa ni Mommy Gloria ang pangalan ni Pokwang, ngayon ay hindi na.

"Wala na siyang emosyon. Tulala na siya. Ayaw na niyang kumain. Wala na siyang konsepto ng lungkot o saya.

"Kahit yung caregiver niya, kapag hindi niya gusto, inaaway niya. Sinasakal niya. Kaya aaliwin na lang namin, at papatawanin.

"Yung si Dino, yung bunso namin, na paborito niyang anak, di na din nya kilala. Pati si Mae (anak ni Pokwang), wala, di na niya kilala.

"Kaya nga kapag wala akong trabaho, talagang sa bahay lang ako, para makasama ko si Mama," kuwento ni Pokwang.

Ito na rin ang dahilan kung bakit nagpasya si Pokwang na lumipat ng bagong bahay.

"Two-storey lang itong lilipatan namin. Gusto ko, katabi ng room ko ang room ni Mama. Sa dating bahay kasi, nasa 3rd floor ako, tapos si Mama sa baba. E andaming stories nga di ba na nakakaalis si Mama ng room niya. Malalaman na lang namin, nasa guard house na.

"Itong bagong bahay, mas tight ang security, lola friendly and di kataasan.”

May buyer na din ang dating bahay ni Pokwang. Marami na din ang interesadong bumili.

"May buyer o wala, lilipat talaga kami," assures Pokwang.

Nakaimpake na si Pokwang ng lahat ng gamit na dadalhin sa bagong bahay. Sa December 10 ang schedule ng kanilang paglipat.