• Home
  • Fresh Scoops
  • Nathalie Hart dreams of working with Coco Martin and Albert Martinez

Nathalie Hart dreams of working with Coco Martin and Albert Martinez

Nathalie Hart also wants to work with Angelica Panganiban.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/30/2016 10:02 AM
Nathalie Hart dreams of working with Coco Martin and Albert Martinez


113016-NatalieHart_PUSH.jpgGustong ma-experience ni Nathalie Hart ang gumawa ng teleserye pagkatapos niyang magbida sa indie film na Siphayo at Cinema One Originals festival entry na Tisay. Ayon sa sexy star, may offer sa kanya ang dalawang TV network at kasalukuyan niya itong pinag-aaralan.

“May pending kaming teleserye pero hindi pa namin puwedeng sabihin. Hindi pa namin alam kung ano yung tatanggapin namin,” balita niya sa Push.com.ph.

Kung mabibigyan ng chance, gusto ni Nathalie na makatrabaho sa TV si Coco Martin.

For me, my dream co-actor kahit hindi leading man ay si Coco Martin. I really like him, gustung-gusto ko siyang umarte. I really respect him as an actor.

“Puro kasi matatanda yung gusto ko, eh. Coco Martin, Albert Martinez… yon yung mga gusto kong makatrabaho kasi ang gagaling nilang umarte.

I like Angelica Panganiban also. I think she’s very good,” she said.

Samantala, kahit naghubad na sa pelikula ay hindi naman daw nakakaranas  ng pambabastos si Nathalie.

“Kasi nga, depende rin kasi kung paano ka umakting, eh. Kung balahura ka ring umarte at balahura kang mag-promote ng sarili mo pati mag-post ng picture, sexy na nga yung ginagawa mo ganu’n ka pa, eh, di siyempre yon din yung magiging tingin sa yo ng tao, di ba? Sa trabaho lang naman ako ganun, pero sa labas, iba naman,” sambit pa niya.

Eh, sino ba talaga ang totoong Nathalie?

I’m very tomboy, eh. I grew up with three boys. Kahit napakababae kong tingnan, ako ang nagda-drive, ako naglilinis ng bahay ko… ganyan kami.

“Pag-uwi ko sa Laguna, normal lang. Nasanay kami na kanya-kanyang kilos, kanya-kanyang gawa. Kahit may pera na kaming panggastos mas gusto pa namin na kami-kami na lang. Kahit pag nagti-taping ako, ayoko ng may nagda-drive. Mas gusto ko na ako lang,” kwento niya.

At an early age, natuto na rin daw siyang maging independent.

“Bata pa lang independent na ako. I had to, kasi yung tatay namin hindi kami sinusuportahan. So when I did Starstruck, ako yung sumusuporta sa mga kapatid ko that’s why I entered showbiz,” sey pa niya.