• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca, Kiana Valenciano and Daryl Ong define what a hero is for them

Jake Cuenca, Kiana Valenciano and Daryl Ong define what a hero is for them

Jake Cuenca, Kiana Valenciano, and Daryl Ong talk about heroism in these times.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/30/2016 10:05 AM
Jake Cuenca, Kiana Valenciano and Daryl Ong define what a hero is for them


113016-JakeDarylKaina_PUSH.jpgIba't-iba ang kahulugan ng salitang Bayani o Hero ang ibinigay ng ilan sa mga paborito nating personalidad. Sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya at social media, naging malawak na ang naging ibig sabihin nito gaya nalang ng naging depinisyon nito para kay Kiana Valenciano.

"It’s easy to say that a hero is someone who makes a difference but sometimes, change isn't good you know no matter what you say, that change is always good. So it's hard to define the word hero or how someone can be a hero," sabi pa ni Kiana.

Pero para naman sa hunky actor na si Jake Cuenca, walang pagbabago ang kahulugan ng salitang bayani noon at ngayon. Aniya, ito pa din ang dating “pagbibigay ng sarili sa kabutihan ng iba ng walang kapalit."

"I think being a hero is being able to sacrifice yourself for the whole, for people that you love, and for the people you care about. I mean you don't have to be a hero in a bigger scale, you can be a hero at your own home, kapag inuna mo ang kapakanan ng sarili mong pamilya," pagbabahagi ni Jake 

Ang singer naman na si Daryl Ong, idol na noon pa man ang bayani na si Andres Bonifacio na hindi niya inakala na isa pala ito sa kanyang ninuno. Lolo ni Daryl si Armando De Castro Paguio na descendant ng bayaning katipunero.

Kuwento ni Daryl personal niya itong nadiskubre ng minsan niyang mapasyalan ang rebulto ng kanyang paboritong bayani sa Maynila para sa kanyang history class.

"Kasi mayroon siyang rebulto sa Manila area tapos nandoon sa listahan iyung pangalan ng lolo ko sa mother side nandoon yung mga linya ng mga naging apo apo apo tapos nandoon yung lolo ko," saad pa ni Daryl.

 Dahil dito lalong naging proud si Daryl dahil sa dumadaloy sa kanya ang dugo ng kanyang paboritong bayani. Ito rin ang dahilan kaya makahulugan para kay Daryl ang salitang bayani.

"For me kapag sinabing hero, selfless. Hindi mo pinapansin kahit na husgahan ka ng ibang tao or may sabihin masama against sa iyo, ma-misinterpret ang actions mo. Pero para sa ‘yo ang ginagawa mo ay para sa ikabubuti ng mas nakakarami,"pagtatapos ni Daryl.