• Home
  • Fresh Scoops
  • Ellen Adarna admit she's more comfortable doing wholesome characters than sexy roles

Ellen Adarna admit she's more comfortable doing wholesome characters than sexy roles

Ellen Adarna says she doesn’t mind playing mother roles.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/30/2016 10:06 AM
Ellen Adarna admit she's more comfortable doing wholesome characters than sexy roles


113016-EllenAdarna_PUSH.jpgTigil muna sa pag papa sexy ang kontrobersyal na kapamilya sexy star na si Ellen Adarna sa bagong daytime teleserye ng ABS-CBN na Langit Lupa.

Gaganap si Ellen bilang isang wicked stepmother ng mga batang bida na sila Xia Vigor at Yesha Camille. Aminado si Ellen na malayong malayo ito sa mga nakaraang karakter na ginampanan niya.

Aniya, masaya siya dahil sa bago at fresh na karakter na kanyang gagampanan. Dagdag niya hindi na rin daw ito bago para sa kanya.

"Kasi nag The Greatest Love naman din po ako gumanap ako na nanay doon. Hindi naman din bago to kasi sanay naman ako sa mga bata, sa family ko kasi ako yung eldest sa four younger brothers ko," pagmamalaking kuwento ng aktres.

Mahilig din naman siya sa mga bata dahil sa tumayo siyang ate sa kanyang apat na lalaking kapatid. Okay din sa kanya na mga bata ang kanyang mga katrabaho ngayon.

"Mahilig ako sa bata okay naman," sabi pa ni Ellen.

Kuwento pa niya, hindi naman niya hinahanap at hindi niya tuluyang tinatalikuran ang mga nakasanayan ng tao na nagpapa-sexy siya gaya ng Pasion de Amor.

"Hindi naman sa ayaw ko na, hindi ko lang hinanap kasi mas gusto ko nga na wholesome, ang hirap kaya mag pa sexy," pagtatapos ni Ellen.