Julie Anne San Jose defends boyfriend Benjamin Alves

The singer says she finds Benjamin a kind and sincere person.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/3/2016 8:59 AM
Julie Anne San Jose defends boyfriend Benjamin Alves


110316-JulieBenjamin_PUSH.jpgAminado ang tinaguriang Asia’s Pop Princess na si Julie Anne San Jose na in love siya ngayon sa actor na si Benjamin Alves. Ito ang inamin niya sa Push.com.ph nang makausap siya sa presscon ng concert nila ni Christian Bautista billed as When Christian Meets Julie Anne na gaganapin sa Kia Theater on Nov. 10.

Pero kahit pumapag-ibig si Julie Anne, sabi niya, “Importante pa rin na hindi nawawala yung focus ko sa mga priorities ko. Masarap ma-in love talaga, kasi yon yung nakakapagpa-inspired sa ‘yo to do stuff na gustong mong gawin para lalo kang ganahan.”

Hindi rin daw uso sa kanyang ang reservation kapag in love siya.

Yeah, you can say that. I think sa lahat naman po ng relationship you really have to give your hundred percent to that person at importanteng mag-commit ka sa taong yon.

“Tsaka nando’n din naman yung trust at respect, at yon ang importante,” rason ng singer-actress.

Eh, ilang percent ba ang puso at utak niya when she’s in love?

I think hindi na po kailangan i-measure yon kasi ano naman, eh. Hindi mo na maiisip yon, eh, hindi mo naman kailangang i-measure yon, eh. Kasi kapag nagmahal ka, kailangan mo pa bang i-measure na 65 percent dapat ang puso at ganito lang yung mind. Wala naman ganu’n, di ba?” katwiran pa niya.

Naniniwala rin si Julie Anne na kapag nagmahal ka ay wala rin daw dapat kondisyon at handa rin daw dapat na matakot masaktan if ever.

I think it happens. It’s part of the relationship,” sabi pa ni Julie Anne.

 Hindi rin daw maiwasan na mag-react ang kanyang supporters sa pagkakaroon niya ng boyfriend.

 “Yung iba, okay sa kanila. Kung saan naman po ako masaya do’n din po sila, sinusuportahan po nila ako. Yung iba po, I understand din naman na kung ayaw nila, wala naman po akong magagawa.

I can’t really please them. I can’t make them like someone na gusto ko di ba? Hindi rin po hindrance sa akin yon para iwasan yung tao, kasi yung iba, may kanya-kanya rin pong opinion. And it’s okay with me, it’s fine with me kasi masaya naman po ako, eh,” she said.

Na-bash ba ng supporters niya ang boyfriend?

“Meron po. It happens talaga. Hindi naman maiiwasan yon, eh.”

Eh, sa isyung ginagamit lang daw siya ni Benjamin, anong reaksyon niya dito?

I don’t think he’s that kind of person and I find him really sincere. Makikita mo naman po yon sa isang tao, eh. Kasi hindi naman po siya haharap sa magulang ko kung hindi sincere, eh. Hindi po siya ganun,” depensa ni Julie sa kasintahan.