• Home
  • Fresh Scoops
  • Camille Prats says her son takes after her brother John Prats

Camille Prats says her son takes after her brother John Prats

Camille Prats shares son Nathan’s early showbiz experiences.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/3/2016 8:58 AM
Camille Prats says her son takes after her brother John Prats


110316-CamillePrats_PUSH.jpgIpinagmalaki ni Camille Prats ang anak na si Nathan Linsangan na endorser na ngayon ng Swag Junior at rumampa sa unang pagkakataon sa isang kids fashion show. Sa ating solo interview sa mag-nanay na Camille at Nathan, nai-share ni Camille bilang proud nanay na at home kaagad sa pag-aartista ang kanyang unico hijo sa Goin’ Bulilit.

"He's been a part of the cast for three months now and enjoy naman siya doon marami siyang mga kaibigan so far okay naman."

Mabilis ang panahon ayon kay Camille. Kung dati sila ni John ang naglalaro sa hallway ng ABS-CBN studios in between takes, ngayon ay anak na niya ang umaarte sa harap ng camera. Kuwento pa ni Camille na sa kanyang tito at ninong John nagmana ng talento ang kanyang anak.

"Actually ang nagsasabi na nakikita niya ang sarili niya kay Nathan si John kasi pareho sila lalake. Tapos pareho sila, hilig nila ang pagsasayaw si Nathan. Idol niya ang nong-nong niya minsan naririnig namin siya kumakanta may hilig talaga."

Mahiyain pa daw si Nathan ayon kay Camille, pero sa ngayon nababawasan na daw ito at nakakatulong ang exposure niya sa showbiz. Paborito daw ni Nathan ang manood ng teleseryeng Ang Probinsyano dahil idolo nito si Coco Martin.

"Yan ganyan age mahiyain pa siya so ang role namin as family is to support him na kayang kaya niyang gawin kung gusto niya talaga," pagtatapos ni Camille.