• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola is happy that ex-BF JM De Guzman seems to be okay now

Jessy Mendiola is happy that ex-BF JM De Guzman seems to be okay now

Jessy Mendiola also says she is happy with her relationship with Luis Manzano.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/29/2016 10:30 AM
Jessy Mendiola is happy that ex-BF JM De Guzman seems to be okay now


112916-JessyMendiola_PUSH.jpgMasaya si Jessy Mendiola sa nabalitaan tungkol sa ex-boyfriend niyang si JM de Guzman na okay na ang kalagayan nito at anytime soon ay puwede na ulit bumalik sa pag-arte.

Pina-follow pa ba niya si JM de Guzman sa Instagram account nito?

“Ay hindi po. May nagsabi lang po sa akin, may update daw po about him. Pero wala po akong balita sa kanya,” pahayag ni Jessy sa Push.com.ph.

Ano ang reaksyon niya na okay na si JM?

“I’m happy for him. Yon naman ang lagi kong wish sa kanya,” sabi pa ni Jessy.

Gusto rin daw niya na makabalik din ulit sa pag-arte ang dating kasintahan.

“Winish ko rin dati pa na makabalik si JM, as in. Pero ngayon na nakakabalik na siya, I think naman na he deserves it kasi magaling siyang artista.”

Sa tingin ba niya, may third chance pa si JM?

“Yon lang po ang hindi ko sure,” bitin niyang pahayag.

Nakausap ng Push.com.ph si Jessy sa presscon ng Mano Po 7: Chinoy. Na-involve sa prohibited drugs ang character na pino-portray ni Jessy sa pelikula at ng boyfriend niya na ginampanan naman ni Enchong Dee. Ayon sa dalaga, hindi naman siya naka-relate sa role kahit pa same situation din ang pinagdaanan noon ni JM.  

“Dito po sa movie, sobrang iba po. Kasi yung role ko rin po na-involve sa drugs. So yung characters namin dito (ni Enchong) kung paano namin aayusin yung mga sarili namin nagtulungan kami, Yon po yung journey namin together.

 “Medyo hindi po siya relatable sa akin kasi hindi naman din po ako nag-ganun (nag-drugs), pero in a way siguro, sa pagmamahal naka-relate ako,” paliwanag ni Jessy.

Samantala, very vocal na si Jessy sa pag-amin tungkol sa status ng relasyon nila ni Luis Manzano.

Obvious naman, di ba? Sa picture halatang-halata naman di ba?”

Masaya rin daw siya ngayon.

Happy naman ako at saka dapat happy lang ako lagi. Mas happy nga lang ako ngayon, kasi dati happy lang,” sey pa niya.

Eh, di hindi na malamig ang Pasko niya ngayon?

“Dati pa namang warm ang Pasko ko dahil sa family… Siguro mas mainit lang ngayon, hahaha!” sambit pa niya.