• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto reveals the identity of Raymart Santiago’s kin who allegedly hurt their son

Claudine Barretto reveals the identity of Raymart Santiago’s kin who allegedly hurt their son

The actress also uploads x-ray results of her son Santino.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

11/29/2016 7:57 PM
Claudine Barretto reveals the identity of Raymart Santiago’s kin who allegedly hurt their son


112916-CaludineBarretto_PUSH.jpgMatapos ilantad ni Claudine Barretto na nasaktan di umano ang kanyang anak na si Santino ng kamag-anak ni Raymart Santiago, binalaan na niya ang kanyang mga followers na makikilala rin nila ang nanakit sa kanya na nasa edad 26-28 years old.

Read: Claudine Barretto wants payback after son gets mauled

Sa kanyang Instagram post, inilantad na ng aktres na ang nanakit sa kanyang 9-year old son ay si Raphael Santiago, pamangkin ni Raymart at pinsan ni Santino. Sa caption, muli siyang nagpasaring sa kanyang estranged husband at sinabing “walang kwentang ama” ito.

Maaalalang nagalit si Claudine dahil hindi raw naipagtanggol ni Raymart ang kanilang anak.

Read: Claudine to Raymart: ‘Your kids called you a liar’

“Ano (Raymart) bat ka nagtatago. Ready na ba kayo sa ginawa nyo sa anak ko???? #walangkwentangama,” ani Claudine.

Mukhang desidido na ring magsampa ng kaso si Claudine kay Raphael. Ipinakita niya ang x-ray results ni Santino at sinabing, “ (Raymart) ayan ang INEXPLAIN SAYO NG DOCTOR BOTH IN ENGLISH & TAGALOG NA MAGA YUNG RIGHT ARM NI SAINT! Kaya kung ako sa iyo itago mo na yang si RAPHAEL SANTIAGO ANG PAMANGKIN MO! Na 27 YEARS OLD KASI NASA AKIN NA ANG MEDICO LEGAL. see u in court. [sic]”

Ipinaliwanag naman ni Claudine ang kanyang naging reaksyon tungkol sa nangyari at sinabing isa siyang ina at gagawin niya ang lahat upang maipagtanggol sila.

Inalala niya na noong inampon niya ang anak na si Sabina, buong puso niyang tinanggap ang role bilang isang ina at hindi siya natakot dahil nasanay na rin naman siyang alagaan ang kanyang mga pamangkin. Nang mabuntis daw siya kay Santino, nahirapan siya ngunit hindi ito pinahirapan ng anak at nakapag-trabaho pa siya kasama si Piolo Pascual hanggang sa 8th month nito sa sinapupunan.

“I’ve been living in fear for years so when any of my kids are attacked maybe the monster in me comes out hoping & praying real hard that I protect them with all I have depending on the situation.

“With all that has come out am I degrading, destroying my kids? No I’m PROTECTING THEM DOUBLE TIME! [sic]

“See I’m only one because the other person who is supposed to PROTECT THEM BAILED OUT AGAIN! Maybe I am degrading, destroying ME it’s okay. It’s my duty & responsibility to be a mom first no matter what you all want to throw at me kasi po I AM A MOTHER 24hours a day 7days a week. EVERYDAY. [sic]”