Ronnie Alonte talks about his movies in this year’s MMFF

Ronnie Alonte says he was unaware that his movies were scheduled for the same release date.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/29/2016 4:51 AM
Ronnie Alonte talks about his movies in this year’s MMFF


112916-RonnieAlonte_PUSH.jpgKasamang nakipaglaro sa All Star Basketball Kapamilya Playoffs ang Hashtag member at Star Magic artist na si Ronnie Alonte.

Kasama si Ronnie sa Team Daniel na nag champion sa naturang laban sa score na 96-93. Dahil dito Proud na proud ang binata dahil sila ang champion sa unang beses na nagkaroon ng kapamilya playoffs.

Kahit na nagkaroon ng kaunting injury bago magtapos ang laban, pinilit pa din ni Ronnie na makatayo upang tanggapin ang award bilang isa sa Mythical Five.

"Sobrang masaya kasi ito yung unang playoffs ng mga Star Magic artists tapos nakuha pa namin ang championship. Kaya kahit nasaktan ako worth it naman," pagmamalaki ng binata

Aniya, worth it ang pakikipagbalyahan sa Team Blue na pinamumunuan ni Gerald Anderson dahil sa init ng labanan.

"Medyo masakit pa din pero ngayon okay okay na. Buti nalang hindi malala. Talagang naiyak ako sa sobrang masakit, Sobrang higpit ng laban kaya hindi natin maiwasan ang hindi magkasakitan at injury kaya sobrang ginalingan nalang namin at pinuwersa nalang namin kaya ganun."

Bukod sa championship, feeling champion na din ang Hashtag member dahil sa pagkakakabilang ng kanyang mga pelikula para sa 2016 Metro Manila Film Festival na Seklusyon kung saan makakasama niya ang Superstar na si Nora Aunor at ang Vince, Kath, & James kung saan kasama niya si Julia Barretto at Joshua Garcia.

"Sobrang masaya at hindi ko expected na makakasama yung dalawang movie ko. Ang nakakatuwa pa doon, sabay ko siyang ginawa. Hindi ko alam, akala ko magkaibang date ang release. Yun pala pareho pa makakapasok sa MMFF," kuwento ni Ronnie

Dahil dalawa ang naging entry niya kung saan pareho siyang magbibida, naitanong sa aktor kung saang float nga ba siya sasakay sa pagdating ng parade sa December 23.

"Depende po kung saan po masaya. Pwedeng Seklusyon, pwede din sa Vince, Kath, & James basta kahit saan sana magkasunod ang float para pwede ako lumipat lipat," pagtatapos na kuwento ni Ronnie.