• Home
  • Fresh Scoops
  • Business Unit Head Ruel Bayani explains limited run of ‘Langit Lupa’

Business Unit Head Ruel Bayani explains limited run of ‘Langit Lupa’

Business Unit Head Ruel Bayani says government restrictions regarding working hours mean a shorter run.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/28/2016 11:42 PM
Business Unit Head Ruel Bayani explains limited run of ‘Langit Lupa’


112916-RuelBayani_PUSH.jpgSa media launch ng bagong morning teleserye na Langit Lupa, na nagsimula na mapanood noong Lunes, November 28, inihayag ng business unit head ng programa na si Direk Ruel Bayani na limitado lamang ang magiging run ng kuwento ng bagong serye.

May kinalaman daw ito sa bagong patakaran ng Department of Labor and Employment o DOLE na apat na oras lamang ang official working hours ng mga artistang menor de edad. "Hindi namin itatago na this is not really going to be a very, very long show because i have to be honest in saying that were managing the issue with the kids eh. The kids can only work for four hours a day and even if you asked them were following that directive and because of that its going to be very difficult."

Sa ngayon, minamaximize ang dapat na oas para sa mga bida ng Langit Lupa na sina Yesha Camile at Xia Vigor. Pinag-aaralan muna ng creative team at staff ang kanilang mga eksena ilang araw bago sila isalang para mag taping ng kanilang mga eksena. "With God’s grace and with everybody’s help so far nama-manage naman namin and yun lang, I just want to be honest in saying na we’re doing the best we can. We’re looking for one season nowadays on TV. That’s already enough were already grateful for that."