• Home
  • Fresh Scoops
  • Teacher Georcelle reveals upcoming projects for G-Force on its 10th year on

Teacher Georcelle reveals upcoming projects for G-Force on its 10th year on

Teacher Georcelle wants to help people fulfill their dreams through dancing.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/27/2016 10:15 AM
Teacher Georcelle reveals upcoming projects for G-Force on its 10th year on


112716-TeacherG_push.jpgNakisaya ang ilang miyembro ng G-force dancers sa pagbubukas ng Christmas display ng Il Terrazzo Mall sa Quezon City. Kasama ng G-Force angels ang kanilang founder at manager na si Teacher Georcelle.

Bukod sa regular appearance nila sa ilang production number ng sikat na mga kapamilya artist sa TV, busy din ang mga G-Force sa mga guestings sa iba't -ibang mga parties.

Dahil panahon na ng kapaskuhan, kuwento ni Teacher Georcelle, marami na ang naka-line up na blessings ang kanyang mga angels mapa TV man o corporate shows ang mga ito.

"Yes kasi tayong mga Filipino, we love festivities parties, left and right, family parties, company parties so mas busy talaga ang G-Force."

Mula sa mga trademark na moves ng G-Force, maituturing na sila na ang pinaka sikat na dance group sa ngayon. Ito ay ipanagpapasalamat naman ni Teacher Georcelle dahil nagbunga ang kanilang paghihirap sa mahabang panahon upang marating ang mga papuring ito.

"Wow! I'm happy of course it's overwhelming when you realize a lot of people recognize you and recognize your work and it's really a fulfilling experience," sabi pa niya.

Kuwento pa ni Teacher Georcelle, aasahan ang mas bongga, at mas malaking selebrasyon ng G-Force para sa kanilang ika-sampung taon sa 2017. Aniya, hangad niya na maging instrumento ang pagsasayaw sa pag-abot ng mga pangarap na gusto din makilala at gumawa ng pangalan sa mundo ng showbiz.

"This 2017, we are celebrating the tenth year of G-force project and we will celebrate it with a bang siyempre. 2017 kasi is about dancing the dream, it's not just about sharing the gift of dance, but it's dancing your own dream. We are not sure yet if it’s going to show [at] the same venue—Mall of Asia Arena—last year. We have 1,500 students. Hopefully now times two because we really want to expand and build the dance community," pagtatapos ni Teacher Georcelle.