• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Sunday Beauty Queen’ makes history as first docu movie in MMFF

‘Sunday Beauty Queen’ makes history as first docu movie in MMFF

‘Sunday Beauty Queen’ director refutes claims that there are no ‘pang bata’ films in this year’s MMFF.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/27/2016 9:46 AM
‘Sunday Beauty Queen’ makes history as first docu movie in MMFF


112716-MMFFSundayBeautyQueen_push.jpgNapapaligiran man ng mga negatibong komento ang naging malaking pagbabago sa 2016 Metro Manila Film Festival, umaasa parin ng positibong pananaw ang isa sa mga pelikulang nakapasok dito gaya ng Sunday Beauty Queen na nagmula sa grupo ng producer ng Heneral Luna.

Sa naganap na media conference nito, umaasa ang direktor nito na si Babyruth Villarama ng magandang pagtanggap mula sa mga manunuod ng MMFF ngayong kapaskuhan.

"We're very hopeful kasi I'm sure people will be curious na ano ba ang documentary film na ito, ano ba ang reality film na ito. We are trying our best to reach out to all the people and we are very hopeful na magustuhan nila ito kasi kuwento nila ito."

Idinetalye din ng direktor nito ang kanyang naramdaman ng mapili ang Sunday Beauty Queen bilang opisyal na kalahok sa film fest. Dagdag pa niya at ng mga producers nito na iikot ang istorya nito sa pamilyang Pilipino na sama-samang manunuod ng sine tuwing kapaskuhan.

"I was speechless, nagulat talaga ako kasi naka pasok nga. Nung tinawagan ako, nagulat ako and hindi ko talaga ma-explain ang nararamdaman ko, but I need to calm down. This is happening, maraming magugulat but let's take this forward. Kumbaga we have a good film, pwede naman siya pang Pasko na hindi katulad ng sinasabi nila na walang pang bata. Ang pelikula namin ay pwedeng pang bata, hindi lang pang pamilya isama mo pa ang yaya."

Aminado din ang direktor nito na personal ang naging atake ng istorya niya dahil sa kinuha niyang inspirasyon ang kanyang ina na isa din dating OFW.

"My mom was once a domestic helper so I guess it is something personal, but I'm sure everyone can relate because from time to time kung ano na ba talaga ang lagay ng ating mga kapamilya na OFW," pagtatapos ng film maker.

 Main Photo credit to Sunday Beauty Queen FB Page