• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Yap disagrees that their movie lacked ‘quality’ for the MMFF

Richard Yap disagrees that their movie lacked ‘quality’ for the MMFF

Richard Yap says he can go back to his old life if he ever loses his popularity as an actor

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/27/2016 10:35 AM
Richard Yap disagrees that their movie lacked ‘quality’ for the MMFF


112716-RichardYap_push.jpg“I can just go back to being the businessman that I was.”

Ito ang sagot ni Richard Yap sakali raw hindi na siya maging in demand sa showbiz bilang actor.

Alam din daw niya na pansamantala lang ang showbiz at hindi ito pang matagalan.

“Mahirap din kasi yung hindi ka mag-let go. Everybody has their time. So, kung wala na, okey lang,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa bida ng Mano Po 7, hindi siya natatakot na mawala ang kanyang popularity.

“Hindi ko naman talaga inisip yun. Kasi when I started, I never had any aspiration na gusto kong maging sikat or whatever.

“Basta yung sa akin, whatever happens, happens. Parang nangyari lang siya na hindi ko talaga gusto na maging ganun, o gusto ko talagang sumikat. So, if it's there or not there, I think I'm still the same person that I am. So, okey lang sa akin,” katwiran niya.

Bilang bida sa Mano Po 7, nagbigay din ng reaksyon si Richard sa mga nagsasabi na quality ang naging basehan ng MMFF kung bakit hindi nakapasok sa Top 8 ang kanilang pelikula.

“I disagree!” pagdidiin ni Richard.

“Parang I think na it’s not the right word to say. Maybe it’s a different criteria. Hindi siguro sa quality kasi hindi naman namin ginawa ito na parang basta-basta lang, gagawin mo lang,” dagdag pa niya.

Patuloy ni Richard, “I think, we also put in as much quality as we can into this film, we did everything we can, ginastusan din ito nila  maging authentic lahat, we even went to Taiwan.

“So, in terms of quality, I think, hindi naman kami talo do’n.”

Hindi naman daw siya masyadong nakakaramdam ng pressure na siya lang ang magdadala ng Mano Po 7.

“Actually, it helps na ang gagaling ng mga kasama ko dito, so it lessens the pressure on me at saka hindi ko na masyadong iniisip basta trabaho lang. Iniisip ko lang kung ano ang pinapagawa sa akin ni direk (Ian Lorenos), sinusunod ko na lang.

“I just did my best to portray the role that was given to me, so hopefully, it will be good enough for the audience,” rason pa niya.