• Home
  • Fresh Scoops
  • Michael Pangilinan says he is not using his son for publicity

Michael Pangilinan says he is not using his son for publicity

Michael reveals he is disappointed with ex-girlfriend Erin Ocampo for not bringing their son to his birthday concert.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/28/2016 1:51 AM
Michael Pangilinan says he is not using his son for publicity


112816-MichaelPangilinan_PUSH.jpgPanay ang abang ni Michael Pangilinan sa Raja Sulayman during his free birthday concert nu’ng Sabado (Nov. 26) kung dadating ang anak niyang si Ezekiel pero hanggang matapos ang concert ay hindi ito dinala ng kanyang ex-girlfriend.

Kumpleto na sana ang kasiyahan ni Michael dahil naging star-studded ang kanyang show na dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz na nag-perform pa, pero ikinalungkot niya na hindi nasilayan ang anak.

“Bago ako pumunta dito, ‘yun lang ang pinagdasal ko -- sana maghimala na biglang iakyat (ang bata sa stage),” buntong-hininga ng singer.

Ayon kay Michael, sana man lang daw ay pinapunta ni Erin Ocampo ang anak nila.

“Kahit hindi na siya ang magdala sa bata, pasuyo lang niya sa iba or ipahatid niya sa iba, ‘di ba?” dagdag pa niya.

Hindi na rin napigilan ni Michael ang mapaiyak dahil sa nangyari.

112816-michaelforside1_PUSH.jpg

112816-michaelforside_PUSH.jpg

“Kung matino ka (referring to Erin), birthday ng tatay ng... (anak mo), debut pa, ano ba naman ’yung mag-effort ka, little effort na... may kotse ka naman, bumiyahe ka, kahit tapos na, kung ano’ng oras ka dadating.

“Kung nakikipagmataasan ka ng pride, huwag kang bumaba (ng kotse), ipahatid mo ’yung bata.”

Ayon pa kay Michael, matagal na rin daw ayaw ipahiram sa kanya ni Erin ang kanilang anak.

“Nag-usap na naman kami. Tapos, napag-usapan namin, naayos naman. Sabi naman niya, tutulungan naman daw niya ako. Kasi ang pangit lang, kung may problema kayo sa akin o may problema ako sa inyo, huwag n’yong idamay ’yung tayo. Iba ’yung sa bata, problema natin ’yan, tayo magharap. Huwag mong idaan sa bata para masaktan mo lang ako.

“Sa totoo lang, masakit. Lagi po akong umiiyak. Lalo na kaninang umaga papunta pa lang ako dito. Iba talaga ’pag anak, eh,” emosyonal niyang pahayag.

Nilinaw din ni Michael na hindi niya ginagamit ang anak para pag-usapan tulad ng ibinibintang ng kampo ni Erin.

“Sa totoo lang, hindi ko kailangang sumikat at gamitin ang bata. Nagpapakatotoo lang ako. Sabi ko nga, ilang beses kong ipinapanalangin, kahit wala akong show, kahit hindi ako sumikat, kasama ko lang ang anak ko, kumakain kami ng 3 beses isang araw, okay na ako do’n,” katwiran niya.

One year old na sa Dec. 15 si Ezekiel at ang tanging hiling ni Michael ay makapiling ang anak.

“Sana naman, sana. Sana maghimala,” umiiyak pa rin niyang sabi.

“Naniniwala ako, gumagalaw ang Panginoon, pero hindi ko Siya minamadali. Alam ko ’pag, dumating ang araw na ’yun, ’yon ’yung masasabi ko na worth it lahat ng paghihintay ko, worth it lahat ng sakit,” pahayag pa niya.