• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano openly shares relationship status with Jessy Mendiola: ‘Hindi naman kami nagtatago’

Luis Manzano openly shares relationship status with Jessy Mendiola: ‘Hindi naman kami nagtatago’

The actor also recently posted pics of him and Jessy on vacation in Thailand.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/28/2016 2:08 AM
Luis Manzano openly shares relationship status with Jessy Mendiola: ‘Hindi naman kami nagtatago’


112816-JessyLuis_PUSH.jpgMaingay na pinag usapan ngayon sa social media ang mga larawan ni Jessy Mendiola at ng rumored boyfriend nito na si Luis Manzano habang magkasamang nagbabaksyon sa Phuket Thailand.

Makikita sa mga larawan ng dalawa na kanilang mga nai-post sa Instagram ang kanilang mga masasayang mga ngiti at kinang sa kanilang mga mata.

LOOK: Jessy Mendiola and Luis Manzano in Thailand

Samantala, bago pa man lumipad patungo ng Thailand si Luis, kung saan kasama niya si Jessy , nakapanayam ng Push.com.ph ang TV host sa backstage ng ABS-CBN trade launch. Dito aminado si Luis na masaya silang dalawa ngayon sa kung ano ang meron sa kanila.

"Nagtitira pa din naman kami para sa mga sarili namin and siyempre, I understand those people who support us, and at the same time we want to share our pieces of our personal life with them, but at the same time hindi namin ibinibigay lahat," umpisang kwento ni Luis.

Dito na pag usapan din ang unang beses na nag-post si Luis ng larawan nilang dalawa ni Jessy, na aniya ay paraan lamang ito ng pag response niya sa dalaga sa pag-post nito ng picture nila sa account nito.

LOOK: Jessy Mendiola gets cozy with Luis Manzano

"Yes nag-post siya, I think few weeks back then, nag-hi lang siya and nag-hi back ako with that. Oo naman, hindi naman kami nagtatago ng parang mga ermitanyo," maiksing paliwanag ni Luis.