• Home
  • Fresh Scoops
  • Karylle refuses to comment on Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao reconciliation

Karylle refuses to comment on Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao reconciliation

Karylle says she isn’t sure if a reconciliation has been publicly confirmed.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/27/2016 10:26 AM
Karylle refuses to comment on Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao reconciliation


112716-Karylle_push.jpgNaging matipid ang mga sagot ng anak ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na si Karylle tungkol sa naging pagbabalikan ng kanyang ina sa architect boyfriend/fiancé nito na si Conrad Onglao.

Napabalitang nagkahiwalay si Zsa Zsa at ang boyfriend nito noong May at nagkabalikan naman noong October.

Sa naging panayam na ito kay Karylle kamakailan sa media appreciation lunch ng City of Dreams, tikom ang bibig ng It's Showtime host tungkol sa pagkukuwento sa mga kaganapan sa love life ng kanyang ina.

"Ang instructions lang ay ‘no comment.’ Siguro my mom is at that point where she's trying her best to keep it private, so ayaw ko naman guluhin yun and ayaw ko din makadagdag," sabi pa ni Karylle.

Kuwento pa ni Karylle, hindi rin daw niya alam kung na-confirm ito sa publiko na nagkabalikan na nga ang kanyang ina at ang fiancé nito.

"Hindi ko alam kung nag-confirm ba sila. Ayaw ko mang galing sa akin e, ‘di ba?"

Dagdag pa ni Karylle, kahit hindi pa Pasko masayang-masaya ang puso ng kanyang ina dahil sa mga pamilya at kamag anak nila na nakapaligid sa kanila.

"Masaya naman palagi, ayaw ko lang mang-galing sa akin kasi baka magalit siya. Ano na lang ang Christmas gift ko sa kanya pag nagalit siya sa akin. So ayun pasensya na, papaluin ako ng mom ko pag nag-comment ako."

Napablita din noon na si Karylle ang nag-manage ng social media aacounts ng kanyang ina, kung kaya naitanong sa kanya. 

"No more na, that's why I think she wants it on private lang," pagtatapos ni Karylle.